Miss Q&A winner Juliana Parizcova may gwapong dyowa: Talikuran natin ang mga mapanghusga | Bandera

Miss Q&A winner Juliana Parizcova may gwapong dyowa: Talikuran natin ang mga mapanghusga

Alex Brosas |July 31,2020
facebook
share this

Miss Q&A winner Juliana Parizcova may gwapong dyowa: Talikuran natin ang mga mapanghusga

Alex Brosas - July 31, 2020 - 10:04 AM

MARAMI tiyak ang naiinggit kay Juliana Parizcova, ang first Ms. Q and A grand winner sa “It’s Showtime”.

Many were surprised when she posted photos on her Instagram account na may kayakap na lalaki.

Apat na photos ang kanyang ipinost pero parang binura niya ang isang photo dahil kumalat na ito sa social media kung saan kitang-kita ang kasama niyang guy habang nakaupo.

Sa apat kasing photos niya sa Instagram ay hindi kita ang face ng lalaki.
Sa tatlong litrato ay kayakap niya ito at sa isang photo naman ay magkahawak-kamay sila pero hindi kita ang kanilang mga mukha.

“Talikuran natin ang mga mapang husga…Harapin nating dalawa ang umaga..Dahil sa dulo nito…IKAW LANG AT AKO” #Respect,” caption ni Juliana sa kanyang IG post.

In fairness, ang guwapo noong guy, ha! Parang hindi siya purong Pinoy. He looks like a Fil-Am.

Marami ang natuwa sa post na iyon ni Juliana and that includes TV personality Kaladkaren who commented, “Happy for you.”

Naku, sino kaya itong guwapong guy na ito? Dyowa nga kaya ito ni Juliana? Pakisagot nga, beks!

Anyway, marami naman ang natuwa para sa gay comedian at wish nila sana nga’y maging maligaya rin ang kanilang pagsasama ng nasabing non-showbiz guy.

Comment pa ng isang netizen, sana’y tumagal din ang kanilang relasyon tulad ng pagsasama nina Vice Ganda at Ion Perez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending