Basher sinabihan ng 'malandi' si Glaiza; Irish BF tinawag na 'demonyo, virus'  | Bandera

Basher sinabihan ng ‘malandi’ si Glaiza; Irish BF tinawag na ‘demonyo, virus’ 

Ervin Santiago |July 30,2020
facebook
share this

Basher sinabihan ng ‘malandi’ si Glaiza; Irish BF tinawag na ‘demonyo, virus’ 

Ervin Santiago - July 30, 2020 - 09:50 AM

NAPATUNAYAN ng mga tagasuporta ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro kung gaano kabuti ang kanyang puso.

Sa halip kasi na patulan at pagsalitaan din ng masasama ang mga bashers sa social media ay iniintindi na lang ng dalaga ang mga ito at ipinagdarasal.

Ang mga fans ng award-winning actress ang talagang nagtatanggol sa kanya laban sa mga taong walang ginawa sa buhay kundi ang mambastos at manglait ng kapwa.

Ngunit pinayuhan ni Glaiza ang mga ito na huwag nang patulan ang bashers kahit na nga kung minsan ay talagang below the belt at malilisyoso na ang pinagsasasabi sa kanya.

Tulad na lang ng isang netizen na sinabihan siya na “malandi” habang meron namang tumawag na  “demonyo” at “virus” sa Irish boyfriend niyang si David Rainey.

Ayon sa fans ni Glaiza, buhay pa ang mga ito pero sinusunog na ang mga kaluluwa nila sa impiyerno. Hindi nila ma-imagine kung bakit may mga taong nananakit ng kanilang kapwa kahit wala namang masamang ginagawa sa kanila.

Mensahe ni Glaiza sa mga nagtatanggol sa kanya, “Aware ako sa mga tweets against me pero wag nating hayaang ikalugmok natin yun.

“Matatagpuan din sila ng taong magmamahal at uunawa sa kanila gaya ng pagmamahal at pang uunawa sa akin sa kabila ng topak ko. Naniniwala ako.”

Pahayag pa ng Kapuso actress, “Alam niyo gaiz, marami na tayong nababasa sa Twitter na nakaka apekto sa emosyon natin, mas makakatulong sa atin at sa lahat ng makakabasa ng tweet natin na huwag mag reply ng masasakit na salita.

“Kahit pa minsan nakakainis na talaga. Baka nag hahanap lang din sila ng release, kasi nakakabaliw naman talaga ang nangyayare sa mundo.

“Nataon lang na ako, o kung sino man dito sa Twitter ang napag disketahan,” lahad ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya pa, “Akap gaiz, may mga bagay tayong hindi kayang i control tulad ng pandemic na ito at ang mga opinyon ng ibang tao, pero kaya nating kontrolin kung paano tayo magre react sa mga bagay na yun.

“Suportahan natin ang isa’t isa na maging mas mapang unawa.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending