outbrain

Kris ginulat ang mga empleyado ng TV5; bagong talkshow tuloy na tuloy na

By Reggee Bonoan July 29,2020
share this

Kris ginulat ang mga empleyado ng TV5; bagong talkshow tuloy na tuloy na

By Reggee Bonoan July 29,2020 - 03:32 PM

 

 

SA studio ng TV5 kung saan may promo shoot si Kris Aquino para sa teaser ng programa niyang “Love Life with Kris” ay dumaan si Ginoong Raffy Tulfo para i-welcome ang Queen of All Media.

Sa kabila ng mga problemang hinarap ng pagbabalik sa telebisyon ni Kris, tuloy na tuloy na nga ang pag-ere ng bago niyang talkshow sa Kapatid Network.

Masayang nag-usap sandali sina Raffy at Kris nang magkita sila sa TV5 building. Dito, napansin kaagad at pinuri ng TV host-actress ang magandang sapatos ng radio host.

Sinabi naman ni Raffy kay Kris na, “Maganda ka sa personal.”

Samantala, wala pang ibinigay na karagdagang detalye sa amin tungkol sa “Love Life with Kris”, ang producer daw ang magpapalabas ng press release kung kailan ito mapapanood.

Ang nangyari lang sa ginanap na promo shoot ang naikuwento ng aming source.

Si Direk Mark Meily ang direktor ng promo shoot at lahat ng production staff ay nakasuot ng PPE o personal protective equipment bilang pagtugon sa ipinatutupad na health protocols.

Namumukod tanging si Kris lang ang hindi naka-PPE pero meron siyang face mask at face shield na tinatanggal niya kapag kukunan na siya ng camera.

Nagulat pa nga ang ilang TV5 staff nang makita si Kris sa hallway ng network. Kanya-kanya na silang kuha na ng video at litrato sa kanilang mga cellphone.

Pero hindi sila pinayagan ng marshalls na makalapit kay Kris for security and health reasons.

Anyway, maganda ang treatment ng “Love Life with Kris” na bago sa manonood and for sure bago rin ito para sa TV host dahil hindi pa niya ito nagagawa sa mga nakaraang programa niya bilang talk show host.

At ang maganda pa ay hindi na limitado ang puwedeng i-guest ni Kris sa programa niya dahil walang exclusivity ngayon ang mga artista ng ABS-CBN, at sana’y ganu’n din sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending