ECQ sa limang lugar sa Antipolo City ipinatupad
Isinailalim sa enhanced community quarantine ang bahagi ng limang mga barangay sa Antipolo City.
Ito ay bunsod ng pagkakaroon ng clustering ng kaso sa mga lugar.
Kabilang sa nakasailalim sa ECQ ang mga sumusunod na lugar:
• Bahagi ng Sitio Tubigan, Brgy. Dalig (Plaza Dilao, Matalino street, Maganda street, Masikap street, Mahinhin street)
• Sitio Upper Ruhat III A, Brgy. Mambugan
• Zapanta Compound, Brgy. San Roque
• 1st Street, Sitio Oreta, Brgy. San Isidro
• Sitio Kamandag 3, Brgys Bagong Nayon at Mayamot
Pinayuhan ng lokal na pamahalaan ang mga residente ng ma naturang lugar na sundin ang mga umiiral na quarantine protocols sa kasagsagan ng pag-iral ng ECQ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.