John Regala 15 araw nang hindi makakain dahil sa liver cirrhosis; problemado sa pera, pamilya | Bandera

John Regala 15 araw nang hindi makakain dahil sa liver cirrhosis; problemado sa pera, pamilya

Ervin Santiago |July 29,2020
facebook
share this

John Regala 15 araw nang hindi makakain dahil sa liver cirrhosis; problemado sa pera, pamilya

Ervin Santiago - July 29, 2020 - 09:59 AM

 

MAY liver cirrhosis ang veteran actor na si John Regala at 15 araw na raw siyang hindi nakakakain dahil ayaw tanggapin ng kanyang tiyan ang pagkain.

Nag-viral kahapon ang litrato ng kilalang kontrabida sa telebisyon at pelikula habang nakaupo sa tapat ng isang tindahan sa Pasay City na tila hinang-hina at gutom na gutom.

Ang litrato ay kuha ni Carl Nathan na agad nag-post sa kanyang Facebook para malaman ng pamilya at kaibigan ni John ang kundisyon nito. Aniya, nahihilo raw ang aktor nang matagpuan niya. Naghahanap daw ito ng nurse ngunit hindi niya masyadong maitindihan ang sinasabi nito dahil pautal-utal daw magsalita si John.

Sa panayaman naman ng GMA, kinumpirma ng aktor na siya nga ang nasa viral photo. May hinihintay daw siyang tao roon na magbibigay sa kanya ng tulong-medikal.

Aniya, magkikita sila roon ng kaibigan niyang nurse na magbibigay sa kanya ng gamot para sa kanyang mga iniindang sakit.

Sinabi ng barangay health officer na si Rose Villajin, kinausap siya ni John at umamin ngang 15 araw na itong hindi kumakain dahil ayaw tanggapin ng kanyang tiyan ang kahit anong klase ng pagkain dahil sa sakit niyang liver cirrhosis.

“Tinanong ko, ‘Sir ano po ba ang problema?’ ‘Ma’am, may liver cirrhosis po ako, may tubig po ang tiyan ko, bloatedness po ako at hindi po ako kumakain ng 15 days,'” ayon kay Villajin sa panayam ng GMA.

“‘Hala sir!’ sabi ko, ‘Bakit ganu’n sir?'” gulat na sabi ni Villajin kay John na sumagot nga sa kanya ng, “‘Hindi po tinatanggap ng tiyan ko ‘yung pagkain, isinusuka ko po.”

Lahad pa ng aktor, hindi lang ang kanyang sakit ang pinoproblema niya ngayon kundi pati ang kanyang pamilya. Inatake rin kasi siya ng depresyon dahil sa pagpanaw ng ina, bukod pa sa problema niya sa pera at sa kanyang asawa.

“Tapos ‘yung pagkawala niya (nanay), tapos nagkaroon kami ng problema ng asawa ko. Kung simpleng tao lang, hindi makakayanan ang ratsada ng problema na kinakaharap ko ngayon,” pahayag ni John.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nabatid na pansamantalang tumutuloy ngayon ang magaling na  aktor sa isang pabahay ng Iglesia ni Cristo sa Quezon City. Talaga raw desidido siyang magpagaling para makabalik uli sa pag-arte.

Kung matatandaan, nag-viral din noong 2017 ang litrato ni John na kuha sa isang supermarket sa Cavite nang mawalan siya ng malay. Bumaba umano ang sugar level ni John nu’ng araw na yun kaya siya hinimatay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending