Alice nagsalita na tungkol sa taong ahas: I was inside the bathroom, I said, 'tuklaw, tuklaw' | Bandera

Alice nagsalita na tungkol sa taong ahas: I was inside the bathroom, I said, ‘tuklaw, tuklaw’

Ervin Santiago - July 26, 2020 - 11:10 AM

 

O, ETO na! Tulad ng ipinangako ni Alice Dixson, ibabandera na niya ang katotohanan sa urban legend tungkol sa “taong ahas” na na-encounter niya sa isang shopping mall.

Nagsimulang kumalat ang kuwento tungkol dito noong 1980s habang ginagawa ni Alice ang isang pelikula kung saan ang ilang eksena raw niya ay kinunan sa fitting room ng mall.

Ang chika, muntik na raw mabiktima ng taong ahas na nakatira sa basement ng nasabing mall si Alice ngunit nakaligtas lamang ito at binayaran ng milyun-milyon para hindi na magsalita.

“Nothing really happened. Nothing really happened in the way the urban legend or the myth dictates,” simulang kuwento ng aktres sa kanyang latest vlog sa YouTube.

“Kunwari, hindi naman ako nahulog sa trap door. Hindi naman ako tumakbo sa corridor palabas papunta sa hotel.

 

“Hindi din naman ako nabayaran ng 850 million, at hindi rin nangyari iyong na-cut iyong pagsasalita ko sa isang TV show when I was trying to explain myself. Those things are all not true,” patuloy na pahayag ni Alice.

 

Aniya, maaaring nagsimula ang tsismis sa pagbibiro niya habang nagpapalit ng damit sa isang comfort room sa department store ng shopping mall.

 

“(The production) directed me to the bathroom sa labas ng department store on the fourth floor para magpalit ng damit.

 

“Natatandaan ko nga may nag-uusyoso sa labas, and for some reason while I was inside the bathroom, I said, ‘tuklaw, tuklaw’.

 

“Now, I don’t really know kung bakit ko iyon ginawa. Siguro kasi, I was just being funny? I was trying to get a laugh sa mga kasamahan ko? I was being young and silly.

 

“And also because iyong time na iyon, iyong kasamahan ko sa pelikulang Dyesebel [1990] na si Richard Gomez, he had a movie that came out called Tuklaw, at uso iyon noon,” chika ni Alice.

 

“A few days later, lumabas iyong balita or gossip na kinakagat ako o kinain ako ng malaking sawa sa loob ng mall.

 

“One day, or one morning my secretary told me na tumawag ang isang representative (ng mall). Gusto akong kausapin.

“Siguro they wanted to ask me if I made these comments and accusations. But I dismissed it and went on with my business,” dagdag pa niyang paliwanag.

“In my defense, even before kahit ngayon ‘pag mayroon hindi totoong rumor, naniniwala akong hindi ko kailangang patulan.

 

“That’s one of my reasons why hindi ako nagkomento roon. In fact nakalimutan ko all about it until recently.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

“One of my close family friends, mayroon kaming usapan that after a certain point that I will reveal my story. So this is the time I want to set things straight,” paliwanag pa ng aktres tungkol sa “snake man”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending