Alessandra kay Angel: Sabi nila ‘tatakbo’ kang senador, hindi kailangan…kaya mong ‘lumipad’
HINDI na nakapagpigil pa si Alessandra de Rossi kay Angel Locsin.
Sa kanyang social media account, ibinandera ng award-winning actress ang paghanga at pagsaludo sa katapangan at kabaitan ni Angel.
Nag-post sa Twitter si Alex ng snapshots kung saan makikita ang mga ginawang pagtulong ng Kapamilya actress-TV host sa iba’t ibang bahagi ng bansa nitong mga nakalipas na taon.
Mula sa pagbibigay ng tulong sa mga nabiktika ng bagyo at lindol, hanggang sa mga naapektuhan ng patuloy na kaguluhan sa Mindanao at ngayon nga sa kinakaharap nating pandemya.
Unang tweet ni Alessandra patungkol kay Angel, “Sabi nila, tatakbo ka daw na senador. (Face with tears of joy) Nyar, di kailangan.
“Kaya mong lumipad. Nag-iisa kang ganyan. Minsan nadadala ng emosyon,” aniya pa.
Sinundan pa niya ito ng, “Hello? Obvious ba? Napakalaking puso ang nasayo. Natural yun. Tao ka. Sira ulo ka. Mahal kita. Teka? May tribute? @143redangel nakita ko lang.”
Sumagot naman si Angel nang mabasa ang mensahe ng kanyang kaibigan, “Hahaha. Salamat, Alex. Mahal kita!”
Reply ni Alex sa kanya, “Hay salamat! Tumanggap ka din ng papuri sa wakas! Alam ko ayaw mo, pero sorry!
“May tribute! I cannot help it! TOTOO EH! Minsan lang! Hayaan mo akong ipagmalaki ka. Ako na to guys!” hirit pa ng dalaga.
Nauna rito, nakiusap si Alessandra sa mga netizens na huwag silang pag-awayin ni Angel dahil subok na ng panahon ang kanilang pagkakaibigan.
“Please ‘wag kami (ni Angel). Mahal ko siya at iba respeto ko sa tapang niya.
“Sa totoo lang, paano ba siya puwede pasalamatan sa mga nagawa n’ya para makatulong sa bansa? Lahat ng sulok, narating niya.
“Bilib ako, pero hindi ako siya. May respeto rin siya sa akin na takot lumabas,” ani Alex.
Aniya pa, “Nakikiusap ako sa mga gumagawa ng gulo at headline. No! Mahal ko ‘yan! Kung may gusto akong sabihin sa kanya, itatawag ko na lang. Ba’t magpaparinig? Iba siya, iba ako. Iba laban niya, iba din sa akin.”
“Magkakampi si Darna at Valentina sa totoong buhay. I love you Angel ng lahat!” na ang tinutukoy ay ang mga ginampanan nilang role sa TV series na “Darna” na napanood sa GMA noong 2005.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.