Jason, Gerald, Jake bad trip sa 'face mask joke' ni Duterte; Harry Roque nadamay | Bandera

Jason, Gerald, Jake bad trip sa ‘face mask joke’ ni Duterte; Harry Roque nadamay

Ervin Santiago - July 24, 2020 - 06:21 PM

 

NA-BAD trip sina Jason Abalos, Jake Cuenca at Gerald Anderson sa “joke” ni Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa paggamit ng face mask.

 

Hindi nagustuhan ng tatlong aktor ang naging pahayag ng pangulo sa kanyang pre-recorded speech noong July 21 at talagang nag-react sila about it.

 

Ani Duterte, “Kung wala kayo, I will try to buy as many as I can afford kung kaya ko, ibigay namin iyan sa inyo libre, but wear it.

 

“Maski na gamitin mo siguro iyan ng dalawang beses okay man lang kung i-spray-an mo lang ng alcohol pagkatapos… ibabad mo ng gasolina o diesel, put****g i**a COVID na ‘yan. Hindi uubra ‘yan diyan,” sabi ng Pangulo.

 

Ngunit ipinagtanggol naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque si Duterte at sinabing, “joke, joke, joke” lang ito.

 

“Kayo naman apat na taon na si Presidente, parang hindi niyo pa kilala si Presidente. Joke only! Bakit naman tayo maghuhugas ng gasolina?” ani Roque.

 

Hindi pinalampas ni Jason ang “joke” ni Duterte at nag-comment sa Twitter ng “Kaya pa ba mahal na president?”

 

Sa sumunod na tweet ng aktor mararamdaman na ang kanyang galit sa “joke” ng Pangulo. Aniya, “Namatay ang kaibigan kong pediatric surgeon dahil sa covid, tapos may panahon pa kayong mag joke??”

 

Hirit pa niya, “Pagbabago ang ginusto ko nong binoto kita hindi panggagago!”

 

Samantala, sa kanyang Instagram Story naman nag-post si Gerald Anderson ng isang quote card kung saan mababasa ang pahayag ni Roque tungkol sa joke ni Duterte.

 

“People dying is not a joking matter,” pahayag ng Kapamilya actor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Ang quote card din ni Roque ang ni-repost ni Jake Cuenca sa kanyang social media account na may caption na, “No sir the only thing that’s a joke here is you.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending