Halos dalawang taon pa bago ang 2022 national elections ay abala na ang isang political clan sa paghahanda sa pagtakbo sa mas mataas na pwesto ng isa sa kanilang kaanak.
Putok na putok sa isang bayan sa Central Luzon na target ng mambabatas na bida sa ating kwento ngayong araw ang vice presidential post.
Natural na magtulong tulong ang kanyang buong angkan na nakaposisyon rin ang ilan sa mga matataas na pwesto sa pamahalaan.
Sinabi ng aking cricket na alam na rin ng kanilang mga suking kontratista ang plano ni Sir kaya medyo busy sila sa sangkatutak na mga proyekto.
Yun nga lamang ay hindi nila maiwasang magreklamo dahil mula sa dating 10 percent ay umakyak sa 30 percent ang cut ng family members sa mga hawak nilang proyekto.
Sa laki ang tapyas para sa iniipong pondo sa eleksyon ng ating bida ay halos masira na ang kalidad ng kanilang mga proyekto.
Kabilang dito ang ilang mga kalsada na halos walang lamang semento ang timpla.
Bagama’t dumaan sa magkasunod na pagsubok ang pamilya ni Sir ay hindi ito nagpahina sa kanyang target na pwesto.
Ang kanya kasing ama na isang sikat na personalidad at pulitiko rin ang pilit nagtutulak sa ating bida na tumakbo sa mas mataas na pwesto.
Sinabi ng aking cricket na ang mas nakababatang pulitiko ang nakikita ng kanyang ama na makakapagpatuloy sa naunsyami niyang pangarap na magkaroon ng pangulo ng bansa mula sa kanilang pamilya.
Posible raw na mangyari pa rin ang kanyang pangitain dahil iyun daw ang ipinangako sa kanila ni “Lord”.
Ang mambabatas na naghahanda na sa kanyang pagtakbo sa 2022 kahit na ang lahat ay abala sa pagharap sa problema sa pandemya ay si Mr. J….as in Jewel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.