Angel duda sa motibo ng pagbili sa Kapamilya stars fan page: What's happening? | Bandera

Angel duda sa motibo ng pagbili sa Kapamilya stars fan page: What’s happening?

Ervin Santiago - July 21, 2020 - 11:59 AM

 

 

“ANYARE?”

Matapos ibuking ni Bea Alonzo na may mga taong gustong bumili sa social media accounts ng kanyang fans, si Angel Locsin naman ang nagsumbong sa madlang pipol.

Ayon kay Angel, nakakatanggap din ng offer ang ilan sa mga nagma-manage ng kanyang fan pages mula sa mga taong kaduda-duda ang identity at motibo.

Nitong nakaraang weekend, ipinost ni Bea sa kanyang Instagram page ang screenshots mula sa kanyang fans kung saan mababasa ang alok sa kanila na ibenta ang fan accounts na hawak nila kapalit ng malaking halaga.

“Had to post this. Woke up to these messages from my supporters. I wonder why these people would offer to buy these accounts all of a sudden? For what?

“Also heard that (different) fan groups of (different) ABS-CBN artists received the same offer today. You be the judge,” chika ni Bea.

Kagabi, nag-post din si Angel ng mga screenshot mula sa kanyang fans na nakatanggap din ng katulad na offer.

Caption niya rito, “You be the judge. After reading Bea’s post na may bumibili ng mga accounts ito rin ang nabasa ko… What’s happening?”

Base sa ipinost ng aktres na isa na ring TV host ngayon, tatlong accounts na may maraming followers ang nais bilhin ng hindi pa nakikilalang mga indibidwal mula sa kanyang loyal supporters.

Binigyan din ng warning ng mga admin ng ilang fan accounts ni Angel na huwag na huwag magpapaloko sa mga trolls dahil siguradong gagawin nila ang lahat para siraan at ipahiya si Angel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Balitang pati raw ang mga humahawak sa fan pages o socmed accounts dedicated to Piolo Pascual and Sarah Geronimo ay nakatanggap na rin ng katulad na offer.

Ayon sa isang eksperto, ang pagbili ng isang community page ay gawain ng mga professional trolls para makapag-promote ng sarili nilang agenda o motibo kaya kailangan daw triplehin ng mga administrator ang pag-iingat at pagmamatyag.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending