Jake binayaran daw para kumampi sa Dos: Not a cent...in fact, my contract is cancelled | Bandera

Jake binayaran daw para kumampi sa Dos: Not a cent…in fact, my contract is cancelled

Ervin Santiago - July 21, 2020 - 10:56 AM

 

 

“BAYARAN.” Ito ang akusasyong ibinabato ngayon sa ilang Kapamilya stars kaya todo ang pag-iingay nila para ipagtanggol ang ABS-CBN.

Isa sa mga bina-bash ngayon ng mga taong galit na galit sa Dos ay ang hunk actor na si Jake Cuenca.

Anila, kaya lang daw todo ang pagtatanggol nito sa kanyang mother network ay dahil nakakatanggap siya umano ng pera o bayad.

Diretsahan naman itong sinagot ni Jake sa pamamagitan ng Twitter. Ipinagdiinan niya na walang pumilit o nagbayad sa kanya para lumaban at ipagsigawan ang pagsuporta niya sa Dos.

“Nothing, not a cent. In fact, my contract is cancelled. I might have even paid to go to QC today for gas. I went to ABS-CBN on my own free will,” mensahe ng aktor.

Sa isa pang tweet, ipinaliwanag din ni Jake kung bakit ganu’n na lang ang pagdepensa niya sa kanyang naging “tahanan” sa loob ng maraming taon.

“I’ve been in ABS for 14 years straight. Before I got here I was just about to migrate to Spain because I couldn’t even call acting a career till ABS-CBN gave me a shot,” lahad ng binata.

Present si Jake pati na ang girlfriend niyang actress-beauty queen na si Kylie Verzosa sa mga nag-rally at nag-noise barrage sa paligid ng ABS-CBN bilang protesta sa tuluyang pagpapasara sa istasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mensahe pa ni Jake, “If I learned anything today, (it) is that we are not alone.

“Hindi dapat tayo matakot. Marami po tayo at dapat ipaglaban natin (ang) bahay natin. Kapamilya po tayo forever,” dugtong pa ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending