Hugot ni Vice: We have been focused sa fame at pera, pero ngayon pwede mo nang bitawan lahat yan! | Bandera

Hugot ni Vice: We have been focused sa fame at pera, pero ngayon pwede mo nang bitawan lahat yan!

Ervin Santiago - July 21, 2020 - 10:20 AM

 

 

SINIGURO ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda na gagawin niya ang lahat para makatulong sa mga kapwa niya artista na nawalan ng trabaho sa ABS-CBN.

Hanggang ngayon ay durog na durog pa rin ang kanyang puso dahil sa sinapit ng kanyang mother network at ng libu-libong empleyado na matatanggal.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment press si Vice sa ginanap na digicon (via Zoom) para sa launching ng Vice Ganda Network ngayong Biyernes.

Dito, inamin ng komedyante na napakahirap talagang maging positibo sa mga panahong ito, pero kailangang kayanin.

“Ang hirap, everyday there’s a new heartache. Ang dami talagang challenges, pero kailangang kumapit. Life is is so precious, ‘di pwedeng bumitaw!

“We have been focused sa fame, sa pera at sa pagso-social media. Pero ngayon pwede mo nang bitawan ang lahat na yan! The most important thing is to protect our health and trust in the Lord!” lahad ni Vice.

Pahayag ng TV host, kinarir na niya ang pagsisimula ng operasyon ng Vice Ganda Network para kahit paano’y makatulong sa mga nawalan ng work dahil sa pagsasara ng ABS-CBN.

“Una naming gustong i-accommodate ‘yung mga nawalan ng trabaho sa ABS-CBN, mga writers, graphic artists and other talents, especially ‘yung mga nakatrabaho ko na noon pa.

“I also want to help the stand-up comedians na natengga dahil wala na ang live performances. Ang sakit sa puso ko, hindi ko pwede pabayaan ‘yung mga anak-anakan ko. I want to give them a platform,” lahad ni Vice.

“Hindi pwedeng ngumanga na walang ginagawa. This is also part of my growth even at my age,” aniya pa.

Ang bonggang digital network ng It’s Showtime host (viceganda.com.ph) ay suportado ng management at marketing team ng Viva Entertainment, at siyempre pati na rin ng ABS-CBN.

“Hiningi ko ito ng basbas sa ABS-CBN kaya nagpapasalamat ako, pati sa mga endorsers ko.

“I am so blessed that I was given the opportunity to work with the best people at ABS-CBN and viva who shared their wisdom with me. Napapaligiran ako ng magagaling na tao,” kuwento pa ng TV host-comedian.

Bukod sa kanyang talk show na “Gabing Gabi Na Vice,” mapapanood din sa VGN ang 10-episode sitcom kasama ang mga kaibigan niyang stand-up comedians; isang interactive game show; bonggang karaoke challenge; at mga documentary.

“Kailangan mag-subscribe sa network para ma-qualify sa game show, at para mapanood nila ang lahat ng ipi-feature namin,” ani Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ibinalita rin ni Vice na ilan sa magiging guest sa bago niyang online show ay ang mga internet sensation na sina Sunshine Guimary at Donnalyn Bartolome, at iba pang Viva artists.

Samantala, ayon kay Vice dalawang bahay niya ang gagamitin bilang location at studio para sa kanilang taping. Siniguro rin niya na susundin nila ang lahat ng COVID-19 safety protocols.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending