Pangulong Duterte pipiliting makabili ng maraming face mask para sa publiko | Bandera

Pangulong Duterte pipiliting makabili ng maraming face mask para sa publiko

- July 21, 2020 - 09:38 AM

Pipilitin ng pamahalaan na makabili ng maraming face mask para maipamahagi nang libre sa mga mamamayan.

Sa kanyang public address, sinabi ng pangulo na pipilitin niyang makabili ng maraming face mask.

Ipamimigay aniya ito ng libre sa lahat para wala nang dahilan ang mga tao na hindi magsuot ng face mask.

Basta’t tiyakin lang aniya na isusuot ng mga tao ang face mask.

“I will try to buy as many as I can afford kung kaya ko, ibigay namin sa inyo ‘yan and wear it,” ayon sa pangulo

Sinabi rin ng pangulo na pwede namang gamitin ng dalawang beses ang face mask basta i-disinfect lamang ito.

Noong nakaraang pulong ng inter agency task force, iminungkahi ng health expert na si Dr. Anthony Leachon na gawing libre para sa lahat ang face mask.

Ani Leachon, maaring ayaw naman talagang sumuway ng iba subalit wala silang pambili ng face mask.

Marami aniyang mahihirap na mamamayan ang walang pambili ng makakain kaya tiyak wala ring pambili ng face mask.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending