Pangulong Duterte at Direk Joyce Bernal nagpulong para sa SONA | Bandera

Pangulong Duterte at Direk Joyce Bernal nagpulong para sa SONA

- July 21, 2020 - 09:34 AM

Naghahanda na si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang State of the Nation Address sa July 27.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagkaroon na ng pagpupulong kagabi sa Malago compound sa Malakanyang sina Pangulong Rodrigo Duterte at Direk Joyce Bernal.

Si Bernal ang muling magdi-direk sa SONA ng pangulo.

Hindi na tinukoy ni Roque kung anong diskarte ang gagawin ni Bernal lalo’t maiiba ang SONA ngayon ng pangulo dahil sa COVID-19.

Una rito, hindi pinayagan ng lokal na pamahalaan ng Sagada ang grupo ni Bernal na makapag shoot para sa SONA ng pangulo.

Kasama sana sa gagawing video sa Sagada ang sikat na aktor na si Piolo Pascual.

Si Bernal din ang nag-direk sa mga naunang SONA ni Pangulong Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending