Suportado ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang panukala ng League of Municipalities of the Philippines na pag-amyenda sa Saligang Batas.
Ayon kay Cayetano, mahalaga na maamyendahan na ang 1987 Constitution pero dapat aniyang ikonsidera ang tamang timing.
Sinabi ng lider ng Kamara na bagama’t maaaring talakayin ang Charter change ngayon, hindi nakikita na maaprubahan ito sa pamamagitan ng isang plebisito sa lalong madaling panahon, lalo pa at nahaharap pa rin ang bansa sa COVID-19 pandemic.
Samantala, binatikos naman ni Cayetano ang mga kritiko ng administrasyon na dati pang nagrereklamo pero hindi naman bukas sa mga solusyon na nilalayon ng isinusulong na mga reporma sa Saligang Batas.
Sinabi pa nito na ang mga bumabatikos sa epekto ng Saligang Batas ay sila din naman ang kumukontra dito.
Marami aniya ang nagsasabi ng ayaw sa political dynasty pero giit nito ang term limit ng mga elected officials ang dahilan nito.
Gayunman, kasabay nang pagtalakay sa reporma sa Saligang Batas, sinabi ni Cayetano na aaprubahan na rin nila ang mga mahahalagang panukalang batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.