Lagot kayo kay Maja: Hindi n'yo kami mapapatahimik! Hindi n'yo kami mapapatumba! | Bandera

Lagot kayo kay Maja: Hindi n’yo kami mapapatahimik! Hindi n’yo kami mapapatumba!

Ervin Santiago |July 20,2020
facebook
share this

Lagot kayo kay Maja: Hindi n’yo kami mapapatahimik! Hindi n’yo kami mapapatumba!

Ervin Santiago - July 20, 2020 - 12:56 PM

 

 

PALABAN at walang balak umatras sa laban ng ABS-CBN ang actress-dancer na si Maja Salvador.

Sa kabila ng pambabatikos at pambabastos sa kanila ng mga bashers at trolls, nananatiling matatag at positibo si Maja at iba pang Kapamilya stars sa pagtatanggol sa ABS-CBN.

Sey ni Maja, walang balak tumahimik ang mga artista at empleyado ng istasyon — tuluy-tuloy lang daw ang laban.

“Hindi niyo kami mapapatahimik! hindi niyo kami mapapatumba! Lalaban at lalaban kami dahil matibay kami!

“Just like Gold, ABSCBN is INDESTRUCTIBLE!!!!!! #LabanKapamilya #IbalikAngABSCBN,” ang matapang na post ni Maja sa kanyang Instagram account.

Hindi raw sila susuko sa laban kasabay ng patuloy na panawagan sa mga taong nasa posisyon na bigyan pa ng isa pang pagkakataon ang ABS-CBN alang-alang sa libu-libong manggagawa na mawawalan ng trabaho.

Puro papuri naman ang natanggap ni Maja mula sa mga netizens dahil sa ipinakita nitong katapangan at paninindigan para sa kanyang mother network.

Sa katunayan dahil sa naging pahayag ng aktres ay naging isa pa sa top trending topic sa Twitter ang “Lily Cruz,” ang pinasikat na karakter ng aktres sa hit series na “Wildflower.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nauna rito, nag-post din sa Instagram si Maja ng litrato niya na kuha sa loob ng ABS-CBN building.

“Laban Kapamilya! patuloy tayong lumaban upang tayo ay madinig! Upang makabalik na muli ang ABSCBN on-air!” aniya sa caption.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending