Nanay, kaibigan ni Catriona rumesbak kay Clint; lalabas din ang katotohanan
HINDI na nakapagpigil ang nanay at malapit na kaibigan ni Catriona Gray sa “panghaharas” umano ni Clint Bondad sa Pinay Miss Universe.
Sunod-sunod kasi ang cryptic post ng model-actor sa social media na pinaniniwalaang patungkol sa kanyang ex-girlfriend at sa boyfriend nito ngayong si Sam Milby.
Dahil dito, nag-alala ang mga kapamilya at kaibigan ng dalaga dahil baka kung ano ang maisipang gawin ni Clint base na rin sa mga nakababahalang post nito sa Instagram.
Isa sa mga nagtanggol sa 2018 Miss Universe ay ang kaibigan niyang si Sandra Lemonon.
Sa kanyang Instagram post, sinabi nitong mukhang wala nga sa katinuan ang hunk model kasabay ng pakiusap na tigilan na rin ng ilang netizens ang paggawa ng tsismis laban kay Catriona.
“Chismis Culture should be cancelled forever, it doesn’t benefit anyone in the long run,” bahagi ng caption ni Sandra sa kanyang IG post.
Dagdag pa niya, “Whatever is happening to him it is clear to see that he is not in healthy state of mind & it’s sad to see a lot of people treating this as a show.
“Humans are not perfect, people should stop expecting it on anyone. One day Cat will open up her side of the story & come out stronger than ever before.
“To every person that ever doubted her good intentions, accused her of things she didn’t do, I hope that you will all learn how to not judge anyone or [be] quick to React especially when you don’t know the full story,” sabi pa ni Sandra na nakalaban ni Cat sa Binibining Pilipinas noong 2018 at kandidata ngayon sa Miss Universe Philippines 2020.
Samantala, napakomento na rin ang nanay ni Catriona na si Mita Gray sa mga cryptic post ni Clint tungkol sa kanyang anak.
Nag-share sa Instagram ang isang fan ng compilation ng mga nakaiintrigang mensahe ni Clint para kina Catriona at Sam at dito nga nag-comment ang ina ni Catriona.
“You continue to defame my daughter and you do so at your own peril,” ang maikli ngunit kumakagat na mensahe ni Mita Gray sa ex-BF ng kanyang anak.
Abangers ngayon ang mga netizen sa mga susunod na pahayag ni Clint laban kina Sam at Catriona.
May isang source ang nagsabi sa amin na may isang pasabog ang hunk model laban kay Catriona na siguradong ikaka-shock ng madlang pipol. Ano nga kaya ito?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.