Bitoy pinangarap ding maging teacher: Gusto kong i-share 'yung sistema ng showbiz dito sa Pinas | Bandera

Bitoy pinangarap ding maging teacher: Gusto kong i-share ‘yung sistema ng showbiz dito sa Pinas

Ervin Santiago - July 19, 2020 - 10:35 AM

 

BENTANG-BENTA sa mga netizens ang mga vlogs ng multi-awarded comedian at content creator na rin ngayong si Michael V.

Isa na ngayon si Bitoy sa mga iniidolo ngayon ng mga vloggers at aspiring YouTubers dahil sa mga video na talaga namang kapupulutan ng mga aral ng buhay.

Ayon sa Bubble Gang at Pepito Manaloto star, mahalaga na maibahagi niya sa mga kabataan ang kanyang natutunan sa ilang taon na niya sa showbiz.

Sa latest YouTube vlog ni Bitoy, ikinuwento niya na pinangarap din niyang maging teacher simula pa lang nang makapasok siya sa showbiz industry.

Si Bitoy ay graduate ng Mass Communications sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM). Dagdag pa ng Kapuso comedian, malaki raw ang pagkakaiba ng mga natutunan niya sa kolehiyo mula sa kanyang actual working experience.

“Being here in the industry, gusto ko rin mai-share sa mga MassCom students ‘yung sistema ng showbiz dito sa Pilipinas.

“Iba kasi ‘yung natutunan ko sa college dun sa actual na na-experience ko sa projects ko.

“In a way, gusto ko mamulat ‘yung mata ng mga estudyante doon sa mga dapat nilang i-expect kung sakaling interesado silang gawin ‘yung mga ginagawa ko,” paliwanag ni Direk Bitoy.

Napapanood pa rin si Michael V. sa longest-running comedy show na Bubble Gang tuwing Biyernes, 10 p.m., at sa award-winning sitcom na Pepito Manaloto tuwing Sabado, 7 p.m., sa GMA Network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending