Carmina talbog ang sekyu sa pagiging istrikto; Legaspi twins may curfew pa rin | Bandera

Carmina talbog ang sekyu sa pagiging istrikto; Legaspi twins may curfew pa rin

Ervin Santiago - July 19, 2020 - 10:07 AM

 

 

TALBOG ang mga security guard sa pagiging istriktong nanay ni Carmina Villaroel sa kambal nila ni Zoren Legaspi.

Nakakaloka ang kuwento ni Carmina tungkol sa ipinatutupad niyang curfew sa mga anak na sina Mavy at Cassy.

“Ako talaga yung security guard ng bahay kapag, kunwari, meron silang birthday party na pinupuntahan,” simulang chika ng Kapuso actress-TV host.

“Hindi sila pumupunta sa bars. Bawal sila sa bars. Pinapayagan ko lang sila ‘pag bahay. Basta mga bahay-bahay lang or restaurant,” aniya pa.

Ayon sa “Sarap ‘Di Ba?” host, saktong 12 a.m. ang curfew niya para sa dalawang anak, pero may mga pagkakataon na ginagawa siyang “tindera sa palengke” ng kambal dahil marunong na raw tumawad ang mga ito.

“12 a.m. talaga ang curfew nila. Pero siyempre si Ms. Tawad, si Mr. Tawad. Kilala ko naman kasi ang mga kaibigan nila.

“So Cinderella time, 12 hanggang sa tatawad tawad na yan ng mga 12:30, 1, 1:30 ganu’n,” sey pa ng nanay ng Legaspi twins.

Dagdag na kuwento pa ni Carmina, naiintindihan naman daw nina Mavy at Cassy ang rules niya dahil hindi ito nakakatulog kapag hindi pa umuuwi ang isa sa kanila.

“Wala naman yatang magulang na kayang matulog na knowing na wala pa yung mga anak sa bahay.

“Hindi ko talaga kaya. Kahit si Zoren, [kapag] may taping, hindi rin ako nakakatulog unless he’s home,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpapasalamat din si Carmina dahil lumaking responsable ang kambal nila ni Zoren at talagang nakikinig sa mga pangaral at bilin nila.

Samantala, mapapanood na ang mga fresh episode ng “Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition” tuwing Sabado, 10:45 a.m., sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending