Angel: Sa mga kasamahan kong artistang hindi nagsasalita...may career pa ba kayo? Wala na! | Bandera

Angel: Sa mga kasamahan kong artistang hindi nagsasalita…may career pa ba kayo? Wala na!

Reggee Bonoan - July 19, 2020 - 09:49 AM

 

SA muling pagsasama-sama ng mga empleyado at supporters ng ABS-CBN ay muling naglabas ng saloobin si Angel Locsin.

Ginanap ang protest rally sa harap ng ABS-CBN building sa Sgt. Esguerra Street, Quezon City kahapon. Dito nga galit na galit na naglabas ng sama ng loob ang aktres sa mga taong nasa likod ng pagpapasara sa TV network.

Aniya, “Akala n’yo ba Lopez ang nakalaban n’yo, hindi! Hindi sila mamamatay sa gutom! Simpleng mamamayan ang magugutom!

“Pinatay nila ang mga taong dapat protektahan nila, ‘yung mga taong bumoto sa kanila! ‘Yung mga taong dapat protektahan nila ang trabaho na ipinapangako nila bawa’t eleksyon!

“Pinatay nila ang mga simpleng tao! Empleyadong nagtatrabaho na bumoto sa inyo napaka-unfair!” gigil na pahayag ni Angel habang naghihiyawan at nagpapalakpakan ang mga tao.

Binalingan din ng aktres ang mga kapwa niya artistang hanggang ngayon ay tahimik pa rin sa nangyayari sa Kapamilya network na naging parte ng kanilang karera.

“Sa mga kasamahan kong artistang hindi nagsasalita, ano? May career pa ba kayo? Wala na! Wala na kayong network!

“Kahit magpa-cute kayo diyan sa Instagram, bakit hindi ninyo damayan ang mga katrabaho ninyo na dahilan kung bakit kayo sumikat!

“Huwag kayong matakot. Wala na kayong poprotektahang career o image. Dumating na ang panahon na kailangan nating magsalita,” diin niya.

Panay naman ang hiyaw at palakpakan ng mga taong nasa harapan at pinakikinggan ang bawa’t sinasabi ng aktres.

Alam daw niya na kaya hindi nagsasalita ang ibang artista ng istasyon ay dahil may iniigatang imahe at sa tulad nilang mga artista ay dapat neutral lang.

Pero sa nangyayari sa istasyong nagbigay sa kanila ng karera ay dapat din daw marinig ang mga boses nila dahil kung hindi sila magsasalita, ibig sabihin ay kinampihan nila ang mali.

“Naiitindihan ko tayong mga artista expected sa atin dapat tahimik lang tayo, dapat sweet lang ang image, dapat neutral para walang kalaban. Pero ‘pag hindi tayo nagsalita, ibig sabihin nu’n, kinampihan natin ang mali,” pahayag pa ng aktres.

Sinabi rin ni Angel na wala siyang kontrata sa ABS-CBN pero hindi niya magawang talikuran ang mga taong malaki ang naitulong sa pagbabago ng buhay nilang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“May utang na loob ako sa kanila at ginagawa ko ito dahil ito ang tama para sa mga tao.

“Hahayaan na lang ba natin ang mga laban ng mayayaman ay ang mahihirap ang magdusa?” saad ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending