Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas higit sa 12,600 na | Bandera

Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas higit sa 12,600 na

- July 16, 2020 - 09:31 AM

Mahigit na sa 12,600 ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 187 na bagong kaso ng sakit.

Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 12,669 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 6,454 ang aktibong kaso.

May naitala naman 17 na dagdag na nasawi. Sa ngayon mayroong 614 na nasawi sa COVID-19 sa Central Visayas.

Nakapagtala naman ng dagdag na bilang ng mga gumaling na umabot sa 117 dahilan para umabot na sa 5,601 ang bilang ng mga recoveries.

Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 7,685 cases.

Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:

Cebu Province – 2,213;
Mandaue City – 1,345;
Lapu-Lapu City – 1,303;
Negros Oriental – 68;
Bohol – 55;
Siquijor – 0.

Ang Cebu City ay nasa MECQ pa rin dahil sa mataas na bilang ng mga kasong naitatala na positibo sa COVID-19.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending