outbrain

Gladys Guevarra nagtitinda na ng kakanin; tindera sa talipapa na-shock

July 14,2020
share this

Gladys Guevarra nagtitinda na ng kakanin; tindera sa talipapa na-shock

July 14,2020 - 10:05 AM

PARA kumita naman kahit paano, nagtitinda na rin ngayon ng mga kakanin ang host-comedienne na si Gladys Guevarra.

Nagsara na ang mga comedy bar na pinagtatanghalan ni Gladys, partikular na ang Klownz at Zirkoh ni Allan K kaya nag-isip siya kung paano kikita ng extra ngayong panahon ng pandemya.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, ibinandera ng komedyana na gumagawa na rin siya ng mga kakanin tulad ng cheese puto, palitaw yema at salted eggs.

In fairness, puro positibo ang natatanggap na comments ni Gladys mula sa kanyang mga customers kaya raw mas lalo siyang ginaganan sa bago niyang raket.

Pero siyempre, hindi rin maiiwasan na may mga taong mangnenega sa kanya at yung mga hindi makapaniwala na nagtitinda na rin siya ng kakanin.

Ibinahagi ni Gladys sa Facebook ang pakikipagkuwentuhan niya sa isang babae sa talipapa na na-shock sa pagtitinda niya ng palitaw.

“Sabi nu’ng kausap ko sa talipapa kanina . . . ‘Ha?! Eh di ba artista ka? Bakit ka nagtitinda ng Palitaw?’

“Weh ano naman ngayon ate, naisip mo pa yun? Ang requirements ba sa pagtitinda, kailangan hindi artista?

“TaranTula pala tong si Ate eh! Hahaha! Gusto ko pa nga magtinda ng turon, halo-halo, ginatan, totong, lumpiang sariwa, pansit, lumpiang pritong gulay. Ano problema dun?

“Ikaw nga ate, nakatayo ka lang sa talipapa, nakikipag-tsismisan ka sa tindera. Hahahaha!

“Ate, hindi pa uso ang Covid balak ko na magtinda ng barbecue sa harap ng bahay ko. Hindi lang pwede, kase mga kapitbahay ko, congressman, senators, mayors.

“At kaya ako umalis dun, hindi inaabot ng ayuda. Bhuset!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending