Kim Idol naghabilin sa mga kaibigang stand-up comedian: 'Wag n'yong pababayaan ang nanay ko | Bandera

Kim Idol naghabilin sa mga kaibigang stand-up comedian: ‘Wag n’yong pababayaan ang nanay ko

- July 14, 2020 - 10:02 AM

MAGSASAMA-SAMA ang mga kaibigang stand-up comedian ni Kim Idol para tuparin ang isang bilin nito para sa kanyang ina.

Sa edad na 41, namaalam na ang komedyante matapos ma-confine ng ilang araw sa ospital dahil sa matagal na niyang kundisyon sa utak, ang ateriovenous malformation (AVM).
Ito ay ang problema sa ugat na nakakaapekto sa daloy ng oxygene at dugo. Brain dead na si Kim bago pa dumating sa ospital ang kanyang nanay at ilang kapamilya.

Isang linggo bago ang kanyang pagkamatay, naki-join pa ang comedian sa isang online fund raising concert para sa anak ng kaibigang si Super Tekla na kinailangan ding operahan dahil sa birth defect na anorectal malformation o walang butas ang pwit.

Kalat na ngayon sa social media ang video clip kung saan mapapanood ang huling performance ni Kim o Michael Argente sa tunay na buhay na isa ring bayaning frontliner dahil sa pagsisilbi niya sa isang quarantine facility.

Sa panayam ng GMA kay Tekla, tila may premonisyon na ang kapwa komedyante sa mangyayarinsa kanya dahil sa mga ipino-post nitong mga hugot sa social media kaya talagang nag-alala siya.

Tinawagan niya agad si Kim pero puro tawa lang daw ang isinagot nito sa kanya.

“Siya yung nag-encourage sa akin na maging malakas, maging matapang. Hindi siya yung tao na tipong makikitaan mo ng problema,” ani Tekla patungkol kay Kim.

Bukod sa mga kasamahan sa mundo ng comedy bar tulad nina Boobay, Allan K, Teri Onor at Philip Lazaro, nalungkot at nagpaabot din ng pakikiramay sa naiwang pamilya ni Kim ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

“Sobrang bait na tao niyan, lagi kaming pinapatawa. Malaki siyang kawalan sa industrya ng comedy dito sa ating bansa. Sa pamilya po ni Kim Idol, nakikimay po ako,” pahayag ng Kapuso Drama Prince sa panayam ng GMA.

At ngayong gabi nga, muling magsasanib-pwersa ang mga kaibigan ni Kim para sa isang fundraising event. Ito’y para bigyang katuparan ang isang bilin ng yumaong comedian para sa kaniyang nanay.

Ayon kay Philip Lazaro, “We also want to help the mom kasi talagang binilin niya ‘yan kina Teri na huwag n’yong pababayaan ang nanay ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending