Sam hindi papatulan ang 'hamon' ng ex-BF ni Catriona; busy na sa taping ng bagong serye | Bandera

Sam hindi papatulan ang ‘hamon’ ng ex-BF ni Catriona; busy na sa taping ng bagong serye

Reggee Bonoan |July 13,2020
facebook
share this

Sam hindi papatulan ang ‘hamon’ ng ex-BF ni Catriona; busy na sa taping ng bagong serye

Reggee Bonoan - July 13, 2020 - 07:11 PM

ISANG buwang naka-lockdown sina Jodi Sta. Maria, Sam Milby, Iza Calzado at Maricel Soriano para sa taping ng teleseryeng “Ang Sa Iyo Ay Akin” mula sa direksyon ni FM Reyes.

Ang tsikang nakuha namin ay dire-diretsong isang buwan ang taping nila dahil malapit na itong umere at kailangan din nila ng maraming nakabangkong episodes.

Pagkatapos nito ay bibigyan ng ilang linggong bakasyon ang buong cast at saka ulit babalik sa taping.
Samantala, habang sinusulat namin ang balitang ito ay kalat na ang Instagram post ni Clint Bondad para kay Sam Milby.

Si Clint ay ex-boyfriend ni 2018 Miss Universe Catriona Gray na karelasyon na ngayon ni Sam. Nakasaad sa IG post ni Clint, “Want to become my client?”

Hindi kinlaro ni Clint kung ano ang inaalok niya kay Sam dahil hindi naman sumagot ang huli at tila hindi rin naman ito interesadong makausap pa ang dating boyfriend ng kanyang girlfriend.

Sa pagkakakilala namin kay Sam (more than 10 years na), mukhang hindi naman niya papatulan ang isyung ito. Nakikinita na namin na kapag tinanong namin siya tungkol kay Clint ay puro ngiti lang ang isasagot niya sa amin.

Lalo na ngayon at abala siya sa taping ng “Ang Sa Iyo Ay Akin” kaya malamang hindi niya bibigyan ng pansin ito dahil mas gugustuhin pa niyang magbasa ng script o mag-Mobile Legend kaysa basahin ang tsismis tungkol kay Clint.

Anyway, palaisipan din sa amin kung bakit gusto pang tsumika nitong si Clint kay Sam? Hindi ba awkward kung kakausapin pa niya ang boyfriend ng ex niya?

Ang pakiramdam naman ng ilang netizens, tila naghahamon si Clint sa kanyang mensahe. Ano pa raw ba ang kailangan nilang pag-usapan ni Sam gayung matagal na silang break ni Catriona?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending