Kilalang male star wala raw kuwenta, dedma lang sa pagsasara ng ABS-CBN
“WALANG kuwenta” at “duwag” ang tawag ngayon ng kanyang mga kasamahan sa showbiz sa isang kilalang male celebrity.
Hindi raw kasi nito kayang panindigan ang pagiging Kapamilya dahil ni minsan daw ay wala itong ginawa para ipagtanggol ang ABS-CBN sa issue ng franchise renewal.
Ayon sa isang source, playing safe raw ang kilalang aktor at ayaw madamay sa kontrobersya, ito’y sa kabila ng panghihikayat ng ilang mga kapwa Kapamilya stars na magsalita at ipahayag ang kanyang saloobin sa pagpapasara sa network.
“Pansinin mo, mula noong magsimula ang hearing sa Congress, halos lahat ng mga artista ng ABS-CBN talagang lumaban at nagsalita. Pero si _____ (pangalan ng aktor) waley! Dedma lang talaga siya.
“Check mo social media accounts niya, wala man lang post para sa network niya. Hanggang sa mag-decide na ang mga congressman na huwag na talagang bigyan ng franchise ang ABS,” sabi ng aming source.
Ayon pa sa kausap namin, mukhang wala naman talagang amor ang male star sa network dahil hindi naman talaga siya roon nagsimula. Parang wala lang siyang pakialam kung magsara man nang tuluyan ang istasyon.
Sabi naman namin sa kanya, baka hindi lang talaga siya vocal sa pagsuporta sa ABS-CBN pero deep inside, sa kanyang puso ay suportado at ipinagdarasal naman niya na mabigyan uli ng prangkisa ang Dos.
“Walang ganu’n mars! Talagang wala siyang care. Duwag nga. Habang yung mga kapwa niya Kapamilya ay halos makipagpatayan na sa pagtatanggol sa ABS, at may mga Kapuso stars pa nga, siya dedma pa more!” sagot ng aming source.
In fairness, nang i-check namin ang Instagram ng nasabing aktor wala talaga kaming makitang post niya na nagtatanggol o nagpaparamdam man lang ng malasakit sa ABS-CBN.
Clue: Ang initials niya ang katunog ng klase ng isang battery. Gets n’yo na?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.