outbrain

KimXi fans muling pinakilig ni Kim sa sweet b-day message para kay Xian

By Ervin Santiago July 13,2020
share this

KimXi fans muling pinakilig ni Kim sa sweet b-day message para kay Xian

By Ervin Santiago July 13,2020 - 12:56 PM

 

PINAKILIG muli ni Kim Chiu ang mga loyal KimXi supporters sa kanyang birthday greeting para kay Xian Lim.

Kahapon, binati ni Kim ang boyfriend sa pamamagitan ng Instagram. Dito, ibinahagi niya ang ilang qualities na nagustuhan at minahal niya sa aktor.

Kasabay nito, pinasalamatan din niya ang kanyang partner sa pagsuporta sa lahat ng kanyang ginagawa, lalo na ang pagtatanggol sa kanya laban sa mga bashers.

Nag-post si Kim ng litrato nila ni Xian na may caption na, “2020 is a tough year, full of uncertainty and worries. I just want to say thank you for existing!”

“Thank you for always putting a smile on my face, for being you and for never getting tired of listening to me.

“No extended captions just want to say thank you, always! Happy birthday @xianlimm,” mensahe pa ng aktres.

Never iniwan ni Xian ang kanyang girlfriend nu’ng kasagsagan ng pakikipaglaban nito sa mga bashers at trolls para ipagtanggol at manindigan sa laban ng ABS-CBN.

“Kim does not deserve to be singled out and get all the hate she is getting from people on the internet. She is a smart, empathetic person who deeply cares for all the people around her. She cares so much that it scares me.

“We are not perfect. No one is. We have our share of mishaps that shake us down to the ground but we learn and we rise back up again. My love and support goes out to Kim for being a wonderful human being,” ang pahayag ni Xian para sa mga umalipusta at nambastos sa kanyang dyowa.

In fairness kay Kim, kahit na nagka-trauma dahil sa matinding pambu-bully sa kanya ng mga haters, hindi pa rin siya natakot na ibandera ang saloobin sa tuluyang pagsasara ng ABS-CBN.

“To those 70 members of the congress, we hoped that you decided based on conscience, not pride; based on facts, not ego; based on truth, honesty, and service; not vengeance.

“Our ABS-CBN leaders did everything they can. Proved them wrong, showed everything, gave EVERYTHING to protect its people. Stayed calm amidst being bullied (sorry for my word).

“Did 13 hearings na paikot ikot, ABS-CBN proved that we have NO violations. In the middle of this pandemic. Pagpapasara ng ABS-CBN and pagpapatupad ng anti terror bill ang nangyayari. What is happening to our country?” lahad pa ng Kapamilya actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending