Promise ni Kathryn sa ABS-CBN: Hindi ka namin iiwan hanggang sa makabangon kang muli | Bandera

Promise ni Kathryn sa ABS-CBN: Hindi ka namin iiwan hanggang sa makabangon kang muli

Ervin Santiago - July 13, 2020 - 09:58 AM

 

IPINANGAKO ni Kathryn Bernardo na hinding-hindi niya iiwan ang ABS-CBN kahit na nga tuluyan na itong naipasara ng Kongreso.

Naniniwala ang Kapamilya actress na isa lamang itong pagsubok at darating din ang tamang panahon na muling “liliwanag” ang kapaligiran sa kanyang mother network.

Ayon pa sa dalaga, pansamantala lamang ang pagkawala ng ABS-CBN matapos ngang ibasura ng mga kongresista ang franchise renewal application ng istasyon.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang dalaga ng litrato nila ng kanyang boyfriend na si Daniel Padilla at isang maikling video clip kung saan makikita ang bahagi ng ABS-CBN building.

“Ang dami mong pinagdaanan nitong mga nakaraang buwan. Ang daming sumubok sa ‘yo— nangmaliit at kumutya.

“Pero hindi ka sumuko. Nandito ka pa rin, patuloy na nagbibigay ng pag-asa sa aming lahat,” simulang pahayag ni Kath sa kanyang caption.

Ipinagdiinan ng tinaguriang Queen of Hearts na never niyang iiwan sa laban ang kanyang tahahan, “Kami naman ngayon, hayaan mong kami ang magbigay ng liwanag sa ‘yo sa panahong pinaka-kailangan mo kami.

“Hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Hindi ka namin iiwan hanggang sa makabangon ka muli,” aniya pa.

Pahabol pa niyang mensahez “Magpakatatag ka. Kakayanin natin ‘to nang magkakasama. Mahal kita, ABS-CBN. Tandaan mo ‘yan.”

Kamakailan, sinabi ng KathNiel na looking forward sila sa bago nilang teleserye sa Dos, ang “Tanging Mahal” ngunit mas nais daw muna nilang pagtuunan ng pansin ang pagsuporta at paglaban para sa pagbubukas muli ng ABS-CBN.

“Looking forward din siyempre para sa prangkisa ng ABS-CBN. Bago tayo magplano, e, paano tayo magpaplano kung wala pa namang ABS-CBN?

“Maaaring wala kung hindi tayo bibigyan. E, di wala, di ba? So, look forward tayo sa mga positivity na mangyayari,” ani DJ.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi naman ni Kath, “Sa daming nangyayari ngayon, bago kami, siguro kompanya. Maging okay muna ang status. Kapag nangyari iyon, tara, trabaho na tayo. Ang daming artista na miss na miss na magtrabaho.

“Ang daming fans at supporters naming lahat na gusto makita ang ABS back on TV,” chika pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending