Richard Yap mapapanood na rin sa Eat Bulaga; lilipat na kaya sa GMA? | Bandera

Richard Yap mapapanood na rin sa Eat Bulaga; lilipat na kaya sa GMA?

Ervin Santiago |July 11,2020
facebook
share this

Richard Yap mapapanood na rin sa Eat Bulaga; lilipat na kaya sa GMA?

Ervin Santiago - July 11, 2020 - 09:52 AM

NGAYONG nagdesisyon na ang Congress na huwag nang bigyan uli ng prangkisa ang ABS-CBN, inaasahan na ang paglipat ng ilang Kapamilya artists sa GMA 7.

Marami ang nagsasabi na habang wala pang maibibigay na trabaho ang Dos sa kanilang mga nakatenggang artista, walang masama kung raraket muna sila sa GMA 7.

In fairness, kahit hindi pa nagbobotohan ang mga kongresista sa franchise renewal case ng ABS-CBN ay nakasuporta na agad sa kanila ang GMA, lalo na ang noontime show nitong Eat Bulaga.

Ilang Kapamilya stars na rin ang naging guest sa “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga na talagang ikinatuwa ng mga manonood.

Pinatunayan lang daw ng Kapuso station na hindi na uso sa panahon ngayon ang network war lalo na nga ngayong marami sa mga artista ng Dos ang mawawalan ng trabaho.

Sa katunayan, ngayong tanghali ay isa na namang Kapamilya artist ang haharap sa mga Dabarkads para maging contestant sa “Bawal Judgmental”.

Yan ay walang iba kundi si Richard Yap na kilala rin sa tawag na Ser Chief, ang karakter niya sa ABS-CBN daytime series noon na “Be Careful With My Heart”.

Ito ang ibinandera ng Eat Bulaga sa kanilang official Facebook page na pinusuan at ni-like ng napakaraming netizens. Ibig sabihin excited na silang mapanood ang sa GMA ang isa na namang artista ng ABS-CBN.

Kung matatandaan, nabalita noon na lilipat daw si Richard sa GMA 7 matapos ang ginanap na eleksyon last year pero mismong ang aktor ang nagsabi na tsismis lang ito. Ang tanong matuloy na kaya ang pagiging Kapuso niya ngayon?

Ang iba pang Kapamilya talents na sumabak sa “Bawal Judgmental” ay sina Pokwang, Louise delos Reyes at Kim Molina.

Samantala, nakiisa rin si Ser Chief sa pagkondena sa naging desisyon ng Congress na tuluyan nang ipatigil ang operasyon ng Dos sa free TV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“A sad day for everyone [crying face] let us always remember this day [praying hands],” post ni Richard.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending