'Panliligaw' uli ni Ryan kay Juday nagpakilig sa socmed: Sana all! | Bandera

‘Panliligaw’ uli ni Ryan kay Juday nagpakilig sa socmed: Sana all!

Ervin Santiago |July 10,2020
facebook
share this

‘Panliligaw’ uli ni Ryan kay Juday nagpakilig sa socmed: Sana all!

Ervin Santiago - July 10, 2020 - 11:57 AM

TALBOG ang mga kinakikiligang loveteams ngayon ng madlang pipol sa kilig na hatid ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.

Nagpasabog na naman ng good vibes sa social media sina Juday Ryan kamakailan na pinusuan at ni-like ng mga netizens at ng mga kapwa nila celebrities.

Walang duda na isa sila sa mga showbiz couples ngayon na nirerespeto at iniidolo ng mga mag-asawa — hashtag #couplegoals talaga ang peg nina Mr. & Mrs. Agoncillo.

Kilig na kilig na ipinost ni Juday sa kanyang social media account ang mga bulaklak na ipinadala sa kanya ng asawa habang nagte-taping para sa kanyang bagong show sa Kapamilya Channel.

Parang nagliligawan pa rin ang dalawa sa kanilang mga paandar sa isa’t isa.

Caption ng Soap Opera Queen sa kanyang IG post, “Eeeee……pinadalhan ako ng manliligaw ko ng flowers sa set!

“Hindi matago sa mask ang kilig e…thank you bubbub. ️️I love you, i love you, i love you! Super appreciate you my love…” mensahe pa ng Kapamilya actress-TV host.

Ito naman ang paandar na reply ni Ryan kay Juday, “Pampabilis uwi po ‘yan.”

Nagkakaisang komento ng mga netizens sa pampakilig ng mag-asawa, “Sana all may asawang tulad ni Ryan!” at “Magaling talagang mag-alaga ng asawa si Juday kaya in love na in love pa rin sa kanya si Ryan.”

Ramdam na ramdam daw nila ang pagmamahal nila sa isa’t isa kaya naman wish nila na sana’y magkaroon din sila ng partner na tulad nina Ryan at Judy Ann.

Pagkatapos ng halos tatlong linggong pananatili sa bahay, balik-trabaho na nga ang mag-asawa sa gitna ng ipinatutupad na general community quarantine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Balik-Eat Bulaga na si Ryan habang busy naman si Juday sa bago niyang show sa Kapamilya Channel na “Paano Kita Mapasasalamatan”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending