Mikee Quintos umaming naiinggit din; Bianca Umali nakapagtala ng record sa Spotify | Bandera

Mikee Quintos umaming naiinggit din; Bianca Umali nakapagtala ng record sa Spotify

Ervin Santiago |July 10,2020
facebook
share this

Mikee Quintos umaming naiinggit din; Bianca Umali nakapagtala ng record sa Spotify

Ervin Santiago - July 10, 2020 - 09:23 AM

DIRETSAHANG inamin ng Kapuso singer-actress na si Mikee Quintos na nakararamdam din siya ng inggit.
Tao lang naman daw siya at hindi perpekto kaya kung minsan ay nakakapag-isip din siya nang mga negatibong bagay.

Ayon kay Mikee, isa sa mga bagay na sinisikap niyang gawin ngayon ay ang iwasang makaramdam ng inggit upang maging mabuting impluwensiya sa iba lalo na sa kanyang fans.

“It’s not all beauty, glam. It’s not all good stuff. Ang daming nagsasabi sa akin na ang saya raw ng buhay ko.
“Ang saya raw na nagagawa ko ‘to, nagagawa ko ‘yan. Pero may things din na nakakainggit sa buhay ng iba,” pahayag ni Mikee.

Ngayon daw ay tanggap na nito na sadyang may mga bagay na hindi nakalaan para sa kanya at sa halip ay mas gusto na niyang mag-focus sa mas importanteng bagay gaya ng pagiging mabuting ehemplo sa kanyang supporters.
“‘Yun ‘yung na-realize ko. Make the most of what you have kaysa sayangin mo ‘yung oras mo na naiinggit ka sa kung anong mayroon sa iba.

“Nakakahawa ‘yung inggit, eh. Na-realize ko personally na kung ganito ako mag-isip, paano ‘yung mga nag-iidolo sa akin? Baka ma-influence ko sila nang hindi ko sinasadya,” dagdag pa ng dalaga.

Samantala, muling mapapanood si Mikee sa paboritong Sunday tambayan na “All-Out Sundays: The Stay Home Party” na mapapanood na rin sa telebisyon simula ngayong Linggo, 12:45 p.m., sa GMA 7.

* * *

Pumatok sa netizens ang latest single ng Kapuso actress na si Bianca Umali na “Kahit Kailan.”

Ayon sa GMA Music, umabot na sa higit 300,000 streams sa Spotify ang debut single ng aktres.

Una itong ini-release noong March 2, mismong araw ng kanyang 21st birthday. April 15 naman nag-premiere ang official music video nito.

Ang “Kahit Kailan” ay available for streaming sa Apple Music, Spotify, YouTube Music, at other digital stores worldwide.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending