Jinkee supalpal kay Agot: Wala kaming pakialam kung ano'ng gusto n'yong gawin sa pera n'yo, pero... | Bandera

Jinkee supalpal kay Agot: Wala kaming pakialam kung ano’ng gusto n’yong gawin sa pera n’yo, pero…

Ervin Santiago |July 09,2020
facebook
share this

Jinkee supalpal kay Agot: Wala kaming pakialam kung ano’ng gusto n’yong gawin sa pera n’yo, pero…

Ervin Santiago - July 09, 2020 - 08:43 PM

NAKATIKIM ng maaanghang na salita si Jinkee Pacquiao sa Kapamilya singer-actress na si Agot Isidro.

Hindi pinalampas ni Agot ang umano’y “insensitive post” ng misis ni Sen. Manny Pacquiao sa kanyang social media account kamakailan.

Ni-retweet ni Agot ang isang news item tungkol sa couple bikes ni Jinkee na kanyang ipinost sa Instagram kamakailan. May caption itong, “His and Hers.”

Makikita sa IG photo ng asawa ng senador-boxer na mula sa Paris-based luxury retailers na Hermes at Louis Vuitton ang kanyang mga bisekleta.

Balitang nasa P1 million umano ang halaga ng dalawang branded bike ng mag-asawang Pacquiao na kasalukuyang nasa mansyon nila sa General Santos City.

Hindi na binanggit pa ni Agot sa kanyang Twitter post ang pangalan ni Jinkee pero very obvious na para sa misis ni Pacman ang kanyang mensahe patungkol sa pagiging “sensitive”.

Ipinagdiinan ng aktres na hindi na kailangan pang ibandera at ipangalandakan ni Jinkee ang yaman nila dahil alam na ng buong mundo na bilyonaryo ang kanyang asawa.

At parang hindi magandang tingnan na habang post nang post ng kanyang ari-arian si Jinkee ay parami naman nang parami ang nagkakasakit, nagugutom at nawawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Narito ang buong tweet ni Agot, “Alam namin na marami kayong pera.

“At kung ano ang gusto ninyong gawin sa pera na yun, wala kaming pakialam.

“Pero marami rin ang walang trabaho at nagkukumahog humanap ng pera para may pakain sa kanilang pamilya.

“Puede ba, konting sensitivity man lang?” sey pa ng aktres gamit ang hashtag #nouveau (riche) — ito’y French word na ang ibig sabihin ay “a person newly rich” (ayon sa Merriam-Webster dictionary).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksyon si Jinkee sa mga sinabi ni Agot. Agad naming ilalabas ang magiging pahayag ng misis ni Pacman.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending