Lockdown hugot ni Juday: Ano pang meron ako? Dapat may iba pang pagkakakitaan | Bandera

Lockdown hugot ni Juday: Ano pang meron ako? Dapat may iba pang pagkakakitaan

Ervin Santiago - July 08, 2020 - 02:13 PM

PROUD na ibinandera ng Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos ang mga talent at skill na na-unlock niya habang naka-quarantine sa bahay.

Aminado ang misis ni Ryan Agoncillo na sa loob ng tatlong dekada, ang showbiz at ang pag-arte ang naging buong buhay niya.

Ngunit bigla nga itong nagbago nang ipatupad ang community quarantine sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic, idagdag pa ang pagpapasara sa kanyang mother network na ABS-CBN.

“Sanay ako, buong buhay ko, pag-aartista ‘yung ginagawa ko. At some point, kinailangan ko i-stretch out kung ano pa ‘yung kapasidad ko, kung ano pa ang puwede ko gawin outside show business. We’re on lockdown, ABS-CBN is totally locked down,” pahayag ni Juday sa “Rated K.”
Patuloy pa niya, “Sa edad kong ito na mayroon kaming maliliit na mga supling, we have to really find ways to earn money and help people at the same time and, of course, enjoy our time with the kids.”

Ani Juday, talagang kinarir niya ang pagtatanim ng iba’t ibang gulay sa kanilang bakuran at ngayon nga ay inaani na niya ang mga ito.

“Realization of so many things ‘yung nangyari. Kakalkalin mo talaga ‘yung inner talent mo. Ano pa ang meron ako? Dapat mayroon pa akong alam.
“May mga bagay akong nagawa na hindi ko alam kaya ko palang gawin. Marami akong na-discover sa sarili ko. Mas na-boost pa ‘yung self-esteem ko, kasi now I know mabubuhay ako, kasi kaya ko pala mag-adapt to change,” lahad pa ng aktres.

Sa ngayon, napapanood si Juday bilang host ng “Paano Kita Mapasasalamatan,” isang public service program na napapanood sa Kapamilya Channel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending