Hirit ng netizen kay Angel: Nakasakay ka na ba sa lumang jeep, ang itim ng usok at amoy gasolina? | Bandera

Hirit ng netizen kay Angel: Nakasakay ka na ba sa lumang jeep, ang itim ng usok at amoy gasolina?

Ervin Santiago - July 07, 2020 - 10:42 AM

 

BINASAG ng isang netizen ang ginagawang pagtulong ni Angel Locsin sa mga jeepney driver na mahigit tatlong buwang nawalan ng trabaho at pagkakakitaan.

Inalmahan nito ang tila mas pagbibigay ng halaga at prayoridad ng Kapamilya actress sa mga driver ng jeep kesa sa kapakanan ng mga pasahero.

Nag-post si Angel kamakailan sa kanyang Instagram account ng mga litratong kuha sa terminal ng jeep sa Balintawak. Dito na raw naabutan ng lockdown ang maraming namamasada.

Caption ni Angel sa mga litrato, “Hari ng kalsada. Para sa masa.”

Bahagi ito ng ginawang episode ng programa niyang “Iba Yan” sa Kapamilya Channel kung saan tinalakay ang matinding hirap at sakripisyo na ginagawa ng mga driver ng pampasaherong jeepney.

Ayon sa ulat, halos mag-aapat na buwan nang hindi nakakapamasada ang mga driver ng traditional jeepney dulot ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Isang netizen naman ang nag-comment sa Instagram post ni Angel at nagtanong kung nakasakay na ba sa lumang jeep ang aktres?

Personal na ba niyang na-experience ang makipaghabulan at makipagsiksikan sa jeep at makalanghap ng usok mula sa mga tambutso.

“Palagay ko hinde kasi sanay kayo sa magagarang sasakyan. Sana ang kapakanan ng nakakaraming pasahero sa araw araw ang isipin at hindi ang concerns ng kukunting mga operator,” sabi pa ng netizen.

Kinondena rin nito ang panggagamit umano ng mga jeepney operator sa mga tsuper, “para isulong ang pagpapatakbo ng mga bulok na sasakyan sa daan sa halip na sumunod sa modernization ng mga jeep.”

Hirit pa ng netizen, “Maawa din kayo sa kalikasan na sumasagap sa maduming hangin na dulot ng mga lumang mga sasakyan sa lansangan.”

Ito naman ang kalmadong tugon sa kanya ni Angel, “Lumaki akong nag commuter. True naman na dapat maging road ready ang mga jeep.

“Bigyan mo lang ng pagkakataon na pakinggan yung mga hinaing ng mga kababayan nating jeepney drivers,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mukhang totoo naman ang ipinakikitang malasakit ng aktres sa mga tsuper ng jeepney. Kung matatandaan, nakiisa rin siya sa panawagang palayain at huwag nang ikulong ang anim na driver na nag-rally sa Caloocan City para hilingin na makabiyahe na sila uli.

Binigyan din ni Angel ng ayuda ang mga ito at tumulong sa kanilang paglaya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending