Adieu Bandera | Bandera

Adieu Bandera

Melvin Sarangay - July 05, 2020 - 02:10 PM

ITO na ang una at huling kolum na gagawin ko sa Bandera ngayong taon.

Magpapaalam na kasi ang print edition ng Bandera ngayong buwan at masakit man aminin kasama ito sa naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Mahigit dalawang dekada na rin akong nagtrabaho sa ilalim ng Bandera brand at iyun ay noong pag-aari pa ito ng pamilya Gokongwei way back September 1999.

Kaya nga ako ang ‘baby’ sa editorial group ng Bandera nang mabili ito ng Prieto family noong November 2001.

Malaki ang pinagbago ng Bandera nang maging bahagi ito ng Inquirer Group of Companies at matinding sakripisyo ang pinagdaanan nito matapos maging compact newspaper mula sa pagiging tabloid at kalaunan ay balik din sa dati. 

Nakakatuwa rin na nagkaroon ito ng website at isa ako sa naging online editor na humahawak sa sports section.

Nakakalungkot man na kailangan kong magpaalam sa maituturing kong ‘pamilya’ sa trabaho masaya akong babaunin ang mga alaala kasama ang Tropang Bandera mula noon hanggang ngayong taon na ito.

Maraming salamat sa inyong lahat at adieu Bandera!!!!!

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending