Cease and Desist Order sa Sky Cable mapipigilan ba? | Bandera

Cease and Desist Order sa Sky Cable mapipigilan ba?

Atty. Rudolf Philip Jurado - July 03, 2020 - 06:58 AM

Nagpalabas ng Cease and Desist Order (CDO) ang National Telecommunication Commission (NTC) laban sa Sky Cable Corporation (Sky Cable). Ang Sky Cable ay isang subsidiary company ng ABS-CBN Corporation.

Dito sa CDO na inisyu ng NTC, inutusan ang Sky Cable na itigil ang pag-operate ng kanilang  Direct Broadcast Satellite Services dahil ang franchise nito na makapag-operate ay nag expired na noong May 4, 2020.

Una nang pinagkalooban ng NTC ang Sky Cable noong July 25, 2018 ng isang Provisional Authority na makapag- operate hanggang June 23, 2021.

Bukod dito, inutusan din ng NTC ang Sky Cable na ibalik (refund) ang lahat ng natanggap nito sa mga subscribers, gaya ng unconsumed prepaid loads, deposit, advance payment at iba pa.

Dahil sa Cease and Desist Order, mapipilitan ihinto ng Sky Cable ang lahat ng mga operation nito. Dahil dito, mawawala sa ere ang mga channels na ipinalalabas ng Sky Cable, kasama na yung napapanood sa TV Plus.

Nabigyan ba ng due process o pagkakataon ang Sky Cable na magpaliwag tungkol dito, bago naipalabas ang Cease and Desist Order?

Base sa Order na inisyu ng NTC, tila hindi nabigyan ng sapat na pagkakataon ang Sky Cable na magpaliwag bago nilabas ng NTC ang CDO.

Nauna ang CDO o pagpapahinto ng operation ng Sky Cable at saka lang inatasan ng NTC ang Sky Cable ng pagkakataon magpaliwag kung bakit hindi dapat bawiin ang pinagkaloob na radio frequencies.

Ganito din ang nangyari ng magpalabas ang NTC ng CDO laban sa ABS-CBN Corporation noong nakaraang May 2020.

Ang option na lang ngayon ng Sky Cable ay maghain ng isang motion for reconsideration at magpaliwanag sa NTC. Kung sakali naman na ito ay ibasura ng NTC, maaaring dalhin ito ng Sky Cable sa Court of Appeals o sa Korte Suprema.

Tanging korte lamang, sa pamamagitan ng isang temporary restraining order (TRO) ang makakapagpigil sa CDO na inisyu ng NTC.

Pansamantala, habang hindi pa ito nareresolba, walang Sky Cable at TV Plus  na mapapanood o makukuhanang impormasyon ang humigit kumulang na 55 Million na manonood at nag aabang ng kanilang paboritong programa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending