Recovery rate ng COVID-19 cases sa QC nasa 60 porsyento | Bandera

Recovery rate ng COVID-19 cases sa QC nasa 60 porsyento

Leifbilly Begas - July 01, 2020 - 08:18 PM

COVID

UMAABOT umano sa 60 porsyento ang recovery rate ng Quezon City sa coronavirus disease 2019.

Ayon kay Dr. Rolly Cruz, hepe ng QC-Epidemiology and Surveillance Unit (ESU) ng QC Health Department, umakyat na sa 1,985 ang bilang ng mga nahawa ng COVID sa lungsod na gumaling.

Mayroong 3,302 kumpirmadong kaso ng COVID sa lungsod.

“Dahil mabilis nating naisasagawa ang trace-isolate-treat strategy natin, agad nating naaagapan ang mga kaso ng COVID-19 at nabibigyan ng karampatang atensiyon at pag-aalaga,” ani Cruz.

Mula umano Hunyo 6 hanggang ngayong araw ay mas marami ang bilang ng mga gumaling kumpara sa mga aktibong kaso ng COVID-19.

Ang mga HOPE Community Caring Facilities ay halos puno na umano dahil sa isinasagawang trace-isolate-treat approach.

Ang HOPE 2 na may kapasidad na 294 ay mayroong 285pasyente at ang HOPE 3 ay may 78 pasyente, may kapasidad itong 84.

“We welcome this situation as this only shows that our trace-isolate-treat method in dealing with the pandemic is effective,” ani Mayor Joy Belmonte. “Dahil epektibo ang ating community-based testing, mas madali nating naihihiwalay ang mga positibo sa COVID-19 para hindi na makahawa pa sa mga komunidad.”

Dinadala sa mga HOPE centers ang mga pasyente na mayroong mild symptoms upang hindi makahawa.

Isasara ang HOPE 2 na nasa Quezon City University upang maihanda ito sa pasukan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magbubukas naman ang dalawang quarantine facility ng lungsod sa Quezon City General Hospital (QCGH) na may kapasidad na 350 at Talipapa Senior High School na kayang tumanggap ng 76 pasyente.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending