Mega, Regine, Zsa Zsa, Karla, Liza bad trip sa hearing ng ABS-CBN: Grabe na ‘to! Napakasakit!
SUNUD-SUNOD ang hugot ng ilang Kapamilya stars matapos ilabas ang panibagong cease and desist order ng National Telecommunications Commission laban sa ABS-CBN.
Ito’y para mapatigil naman ang operasyon ng digital TV transmission sa Metro Manila ng network, partikular na ang TV Plus.
Ilan sa mga naglabas ng pagkadismaya at galit sa isyung ito ay sina Karla Estrada, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Liza Soberano at marami pang iba.
Ayon kay Karla, sana’y iniisip ng mga kongresista at ng NTC ang kabuhayan ng mahigit 11,000 empleyado na mawawalan ng trabaho kapag hindi na nakapag-operate ang ABS-CBN.
“Wala na kapwa kapwa tao? Bahala nalang sila sa buhay nila???
“Hindi na iniisip ang mga taong mawawalan ng trabaho na pwedeng magutom ang mga pamilya??
“Baket ngayon pa lahat kailangang gawin ito sa gitna ng crisis…KAPWA PILIPINO PINAHIHIRAPAN NINYO,” mensahe ng nanay ni Daniel Padilla.
Tweet naman ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, “Talaga bang bulag pipi at bingi na tayo????
“Anong nangyayari pilipinas kong mahal???” sabi pa ni Regine with crying face at tatlong heart emojis na kulay pula, berde at asul sumisimbolo sa logo ng ABS-CBN.
Ito naman ang pahayag ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla, “Hindi ko na talaga mapigilang umiyak. Pasensya na.
“Galing ako sa first taping day ko after lockdown. Napakaraming pagbabago… at lahat ginagawa namin para maihatid sa inyo ang Love Thy Woman.
“Pero itong balitang ito… napakasakit. Nakapanlulumo.
“Lord Jesus, bigyan nyo po kami ng lakas para ipagpatuloy ang aming trabaho. Gabayan nyo po sana lahat ng kasamahan ko sa Kapamilya Channel. Kayo na po ang bahala sa amin. (praying hands emoji),” dagdag pa ng singer-actress.
Ni-repost naman ni Sharon Cuneta ang mensahe ni Zsa Zsa sa kanyang Instagram na may caption na, “I am so, so sorry, KAPAMILYA…There are just no words (three praying hands emojis).”
Narito naman ang post ni Liza Soberano sa Twitter, “No words for these heartless people #ABSCBNFranchise.
“How come there’s so much time being spent on bringing ABS-CBN down but little to no time figuring out ways to help our kababayans who are struggling during this pandemic, kasi naka GCQ parin tayo?????” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.