Kilalang aktor walang problema sa pera; mabubuhay kahit ilang pandemya pa ang dumaan | Bandera

Kilalang aktor walang problema sa pera; mabubuhay kahit ilang pandemya pa ang dumaan

Cristy Fermin - July 01, 2020 - 11:03 AM

SA nagaganap na pandemya ngayon ay hindi problemado ang isang kilalang male personality. 

Puwede na nga siyang magpahinga na, huwag nang magtrabaho, dahil maaga niyang napaghandaan ang kinabukasan ng kanyang pamilya.

    Mahusay humawak ng pera ang aktor, masinop siya, bago maglabas ng pera sa bulsa ang male personality ay kulang na lang na iharap pa sa Senate hearing ang pagkakagastusan niya.

    Kuwento ng isang malapit sa male personality, “‘Yun ang maganda kapag marunong humawak ng pera ang tao. Dumating man ang indulto, nakahanda siya, nakakatulog siya nang mahimbing dahil meron siyang dudukutin.

    “Habang problemado ang kanyang mga kasamahang artista ngayon kung saan sila hahanap ng kabuhayan nila, ang male personality naman, e, nakaprente lang.

    “Hindi siya namomroblema, matatag ang kabuhayan niya, ‘yun ang resulta ng ginawa niyang pagmamahal sa kinikita niya,” unang kuwento ng aming impormante.

    May kuwento ring umiikot na bukod sa pagiging masinop ay may matinding karagdagan pa sa kanyang kaluwagan ngayon.

    Patuloy ng aming source, “Hindi na kailangan pang idetalye, napakalaking biyaya ang dumating sa kanya kahit pa may kalungkutan ang dahilan.

    “Basta! Hindi na niya mauubos ang matinding biyayang ‘yun kahit ilampung beses pang dumaan sa pandemya ang mundo! Napakasuwerte niya sa buhay, marunong kasi siyang magmahal sa pinagpapaguran niya.

    “Wala siyang bisyo, magkaibang-magkaiba sila ng utol niya! Bagay na bagay sa kanya ang papel na general!” pagbibigay pa ng clue ng aming source.

    Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, hindi na kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending