outbrain

Maine nagpadulas sa studio ng Eat Bulaga; nalaglag, nagkapasa sa hita

By Jun Nardo July 01,2020
share this

Maine nagpadulas sa studio ng Eat Bulaga; nalaglag, nagkapasa sa hita

By Jun Nardo July 01,2020
share this

NADULAS at nagkapasa si Maine Mendoza nang maaksidente sa studio ng “Eat Bulaga” kamakalawa ng hapon.

Nahulog ang TV host-actress sa inuupuang stool sa metal railing ng set habang on-going ang Bawal Judgmental segment ng “Eat Bulaga.”

Mismong si Maine ang nag-post ng video nito sa kanyang social media account kalakip ang litrato ng nakuha niyang pasa.

Mapapanood sa blooper video ng dalaga ang eksenang bini-brief sa next segment sina Pia Guanio, Ryan Agoncillo at Jose Manalo habang commercial brea. 

Naghihintay naman sina Maine at Paolo Ballesteros sa isang side ng stage. Makikita ngang nakaupo si Maine railing ng maikling hagdan sa stage at nagpapadulas.

Ngunit hindi natantiya ni Maine ang kanyang pagdulas kaya nagtuluy-tuloy siya sa sahig. Tinangka pa siyang saluhin ni Paolo pero huli na ang lahat. Agad naman siyang tinulungang makatayo ng mga kasamahan.

Mismong si Maine ang nag-upload ng video sa kanyang Facebook page na may title na “sLide.mp4.”

Kaya pala sa “Kabuhayan ni Juan” segment ay nag-dialogue si Ryan ng, “Kumbaga sa natisod, babangon uli!” Na sinagot naman ni Maine ng  “Totoo iyan, relate!” habang tawa nang tawa.

Sa ipinost naman niyang photo makikita ang pasa niya sa hita at nilagyan ng caption na, “Oy masakit to no! Slide pa!”

      Anyway, ngayong July 4 ang selebrasyon ni Maine ng kanyang 5th anniversary sa showbiz!

                          * * *          

Fully loaded na naman si Mike Enriquez matapos bumalik sa  24 Oras bilang isa sa anchors.

      May pasabog na special episodes si Mike ngayong buwan sa weekly show niyang Imbestigador ng Bayan tungkol sa COVID-19.

      Tatalakayin niya ang issues na ininda ng Pilipino sa gitna ng pandemya. Isa na rito ang kalbaryo ng ilang pasahero na walang masakyan papasok sa kanilang trabaho.

      Ang two-part special na ito ay mapapanood ngayong July 11.

      Ratsada na talaga sa trabaho si Mike, huh!

                                    

      

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending