Megan, Mikael ibinandera ang ayaw na ugali sa isa’t isa: Hindi rin kami perfect
DIRETSAHANG naglabas ng kanilag saloobin ang Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez tungkol sa mga ugaling hindi nila gusto sa isa’t isa.
Sa kanilang #BehindRelationshipGoals podcast, ibinahagi ito ng mag-asawa kaya naman maraming netizens ang humanga sa pagpapakatotoo nila.
Ayon sa Team Daez, nabuo ang naturang podcast para ipakita sa kanilang followers na hindi picture perfect ang kanilang relationship at gaya rin ng lahat ay may ups and downs din silang mag-asawa.
Pagbabahagi ni Megan, noong bago pa lang sila ni Mikael, isa sa mga hindi niya gustong katangian nito ay ang kagustuhan nitong maging tama parati.
“It was something that I started to dislike about Mikael, it was the fact that he was always quote-unquote ‘right.’
“The way that you would tackle things is very much the same but our views were in some ways, different because of our upbringing. He was always right because he could always justify it to make sure na siya ‘yung tama,” paliwanag ng beauty queen-actress.
Para naman kay Mikael, isa sa ugali ni Megan na gusto niyang mabago ay ang hindi nito pakikipag-usap para maresolba ang mga bagay-bagay na nagiging ugat ng problema.
“I hated that you never fought back. Boneezy (tawag ni Mikael kay Megan) is non-confrontational.
“I would not necessarily say that I’m confrontational but I’m very direct.
“Literally, she would just keep quiet. I realized this is still a problem up until now,” sabi ng “Love Of My Life” actor.
Puro positibong comments naman ang natanggap ng mag-asawa mula sa mga nakapanood ng kanilang podcast na nagsabing malaking tulong sa mga mag-asawang tulad nila ang mga ganitong video para mas mapatatag pa ang pagsasama.
Samantala, habang tigil pa rin sa taping ng kani-kanilang serye sa Kapuso Network, busy sina Mikael at Megan sa kanilang vlogs, podcasts, at pagsali sa online gaming for a cause.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.