outbrain

Yup, yup, yup! Sikat na male celeb nakatagpo ng partner na ibang-iba sa ex-dyowa

By Cristy Fermin June 29,2020
share this

Yup, yup, yup! Sikat na male celeb nakatagpo ng partner na ibang-iba sa ex-dyowa

By Cristy Fermin June 29,2020
share this

NAPAPADALAS pala ang pag-uwi ng isang kilalang lalaking personalidad sa kanyang larangan sa pinakamamahal niyang probinsiya.

    Ilang taon na siyang umuuwi kapag wala siyang trabaho. Lumaki man ang kanyang pangalan sa mundong pinagbibidahan niya ay hindi siya nakalilimot sa kanilang lugar lalo na sa kanyang mga kaibigan.

    Kung ilarawan siya ng aming kausap ay “Mabait siyang anak at kapatid, hindi niya sinasarili lang ang mga biyayang tinatanggap niya, hindi rin siya nakalilimot sa mga kababata niya.”

    Pero nagkaroon pala ng panahon na halos hindi nakauuwi sa kanilang probinsiya ang pamosong male personality. Ano nga ba ang dahilan?

    Kuwento ng aming source, “Naku, masalimuot ang kuwento. Gustung-gusto niyang umuwi, nami-miss niya ang lahat ng mga kaibigan niya, lalo na ang pamilya niya, pero hindi siya magalaw!

    “Dahil ‘yun sa ex niya! Ayaw siyang paalisin, payagan man siya, e, balikan din ang biyahe, kaya ano nga naman ‘yun?

    “Para lang siyang bibili ng pagod kapag ginawa niya ‘yun, di ba? Isinasama niya naman ang girl, pero ayaw! Nakarating na kasi siya du’n, hindi siguro niya nagustuhan ang bayang minahal ng dyowa niya!” natatawang kuwento ng aming impormante.

    Pero nitong mga nakararaang taon ay libre nang nakauuwi ang male personality sa kanilang probinsiya. Walang problema sa kanyang karelasyon ngayon.

    Kuwento uli ng aming source, “Ay, napakalaki ng pagkakaiba ng karelasyon niya ngayon sa ex niya! Very understanding ang girl, binibigyan siya ng kalayaang makasama ang family and friends niya sa probinsiya!

    “Very secure ang girl, hindi nag-iisip ng kung anu-ano, saka kung sino ang mahal niya, e, minamahal din ng girl! Para lang siyang sosyal tingnan, pero marunong siyang makisama sa kahit anong klase ng tao!

    “Pangalawang glorya na ito para sa male personality dahil nakatagpo siya ng babaeng maunawain, mapagmahal at marunong magpahalaga sa nakaraan niya!

    “Yup, yup, yup! ‘Yun lang ang masasabi ko!” humahalakhak na pagtatapos ng aming source.

    Ubos!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending