Pwede ba ang militar sa Cebu City Covid-19 crisis? | Bandera

Pwede ba ang militar sa Cebu City Covid-19 crisis?

Atty. Rudolf Philip Jurado - June 29, 2020 - 12:07 PM

MAAARI bang ipatawag at gamitin ang military o miyembro ng sandatahang lakas (Armed Forces of the Philippines) upang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Cebu City?

Ito ang mga katanungan ng ating mga readers at mga tagasubaybay matapos ibalik at ilagay ulit sa ECQ ang Cebu City at i-assign o i-deploy ang ilang military o miyembro ng AFP para ipatupad ang nasabing quarantine.

Ayon sa ating Constitution, ang Pangulo ang Commander-in-Chief ng AFP.

Bilang Commander-In-Chief, maaari n’yang ipatawag o atasan kailanma’t kakailanganin ang sandatahang lakas para pigilin o sugpuin ang lawless violence, invasion o rebellion.

Ito ang kapangyarihan na ginamit ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2003 nang kanyang ilabas ang General Order No. 4 (July 27, 2003). Alinsunod dito sa General Order No. 4 pinatawag at inatasan ng dating pangulo ang sandatahang lakas upang sugpuin o pigilan ang rebellion na tinaguriang Oakwood Mutiny.

Ginamit ulit ito ni Arroyo noong 2006 upang sugpuin at labanan naman ang patuloy na lawless violence, matapos ideklara ang State of National Emergency noong February 24, 2006.

Ganoon din noong 2009 sa Maguindanao province upang sugpuin naman ang nagaganap na lawless violence at rebellion matapos ang tinaguriang Maguindanao massacre.

Malinaw sa Constitution na maaari lamang ipatawag o atasan ng Pangulo ang sandatahang lakas para pigilan o sugpuin ang lawless violence, invasion o rebellion kagaya nung ginawa noon ni Arroyo. Ang crisis ngayon na ating hinaharap na dulot ng COVID-19 ay hindi maituturing na lawles violence, invasion o rebellion.

Sa madaling salita, dapat may umiiral o nagaganap na lawless violence, invasion o rebellion para ipatawag ng Pangulo ang sandatahang lakas.

Kaya sa aking pananaw, hindi maaaring ipatawag o atasan ang military para magpatupad ng ECQ sa Cebu City dahil wala namang umiiral o nagaganap doon na lawless violence, invasion o rebellion.

Pero kung sakaling magkaroon nang malawakang kaguluhan na mapupunta o magreresulta sa lawless violence, sanhi o dulot nang COVID-19 crisis na ito, dito dapat atasan ng pangulo ang AFP para sugpuin o pigilan ang COVID-19 crisis, pero para sugpuin o pigilin ang nagaganap na lawless violence.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending