Mga milyonaryo hindi nagnanakaw; huwag magnanakaw | Bandera

Mga milyonaryo hindi nagnanakaw; huwag magnanakaw

Atty. Rudolf Philip Jurado - June 28, 2020 - 06:56 PM

ANG pagiging mayaman o milyonaryo ba ay  naggagarantiya na hindi sila magnanakaw, dahil sobra-sobra na ang salapi nila?

Maaari bang gamiting depensa ang pagiging mayaman o milyonaryo ng isang taong inirereklamo sa pagnanakaw o ano pa mang paglabag sa batas?

Hindi na kailangan pang sabihin na walang  batas na nagtatakda o nagsasabi na ang mayaman ay hindi maaaring magnakaw dahil sila ay mayaman na o sobra-sobra na ang kanilang salapi. Gaya ng mayayaman, wala rin naman batas na nagtatakda o nagsasabi na ang mga mahihirap ay maaaring magnakaw dahil nga sa kanilang kahirapan.

Hindi rin katanggap-tanggap na  gamiting depensa ng mga mayayamang nakasuhan o kakasuhan ng pagnanakaw ang kanilang pagiging mayaman o sobra sa salapi. Tulad din ng mga mahihirap, hindi pwedeng gamitin ng nagreklamo o prosecution ang pagiging salat sa yaman o kahirapan ng mga mahihirap upang patunayan na sila ay magnanakaw o maaaring magnakaw.

Sa ilalim ng Constitution, ang mayaman at mahirap ay dapat ituring na pantay-pantay sa batas. Ang pagiging mayaman o mahirap ay hindi kailanman nagbibigay ng pagpapalagay (presumption) na hindi sila magnanakaw o sila nga ay magnanakaw.

Ang pagiging mayaman o mahirap ay hindi maaaring maging pamantayan upang sabihin o patunayan ang pagnanakaw. Ang pagnanakaw o maaaring pagnanakaw ay malalaman lamang base sa ebidensya na ipepresenta ng nagreklamo at nireklamo  at hindi sa katayuan sa lipunan ng tao.

Ang pagnanakaw ay maaaring gawin ng isang milyonaryo o mahirap.

Sa mga salat sa yaman, huwag magnakaw at magsamantala. Magsikap at mabuhay ng marangal!

Sa mga taong mayayaman o sobra sobra na sa salapi, huwag maging ganid!

Ang sabi nga ni Senator Claro M. Recto, MILLIONAIRES, DON’T STEAL (not millionaires don’t steal)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending