NIYANIG ng magnitude 5.4 lindol ang Cagayan kagabi.
Sa ikatlong update na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-7:54 ng gabi.
Ang epicenter ng lindol ay 34 kilometro sa kanluran ng Calayan. May lalim itong 29 kilometro.
Nagdulot ito ng Intensity V sa Calayan, Cagayan.
Intensity IV sa Adams, Bangui, Dumalneg, at Pagudpud, Ilocos Norte.
Intensity III naman sa Abulug, Allacapan, Aparri, Ballesteros, Claveria, Gonzaga, Lasam, Pamplona, at Tuguegarao City, Cagayan; Bacarra, Badoc, Batac City,
Burgos, Laoag City, Pasuquin, at San Nicolas, Ilocos Norte; Flora, Luna, at Santa Marcela, Apayao.
Intensity II naman sa Carasi, Sarrat, at Solsona, Ilocos Norte; Cabugao, Magsingal, San Juan, Santo Domingo, at Sinait, Ilocos Sur.
Intensity I sa San Ildefonso, Ilocos Sur.
Ang mga instrumento naman ng Phivolcs ay may na-detect na Intensity IV sa Pasuquin, Ilocos Norte at Intensity II sa Vigan City, Ilocos Sur.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.