Catriona kinampihan ang mga inarestong LGBTQ member: Is this the new normal?
KINAMPIHAN ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ang mga members ng LGBTQ+ community na inaresto ng mga pulis sa Mendiola kahapon.
Isa lamang si Catriona sa mga kilalang celebrities na matapang na nagtanggol sa mga nakaranas umano ng dahas habang nagsasagawa ng rally bilang bahagi ng Pride month celebration sa bansa.
Ayon sa mga otoridad, lumabag daw ang mga nakiisa sa Pride march sa health protocols tulad ng physical distancing kaya sila inaresto ngunit mariin naman itong itinanggi ng mga raliyista.
Inilahad ng beauty queen sa kanyang Instagram account ang saloobin sa nangyaring dispersal sa Mendiola kasabay ng pagpo-post ng viral photo ng nilamukos na Pride flag na hawak ng isang pulis.
Caption ni Catriona, “Is this the new normal?”
“Earlier today a peaceful #PRIDE rally held in Manila where mask wearing participants practicing social distancing were met by police in riot gear and arrested.
“When questioned by the witnesses and media about the reason or violations for arrest, the police gave no response,” anang dalaga.
Hirit pa ng girlfriend ni Sam Milby na kilalang advocate ng LGBTQ, “If proper health guidelines were being followed, (social distancing, mask wearing) why the use of force?
“Why the withholding of rights (witnesses said they were not read their miranda rights before arrest nor given reason of arrest)? Videos circulating online confirm this.
“We have the right to raise our voice. Pride, since the beginning has been a protest. Now is the time to speak up,” pahayag pa ni Cat gamit ang hashtag #FreePride20 na ang tinutukoy nga ay ang mga miyembro ng LGBTQ+ na pinagdadampot ng mga pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.