Pagdami ng kaso ng VAWC nakakabahala | Bandera

Pagdami ng kaso ng VAWC nakakabahala

Leifbilly Begas - June 26, 2020 - 01:42 PM

Violence

HINDI umano dapat gawing dahilan ang coronavirus disease 2019 upang hindi masaklolohan ang mga babae at bata na biktima ng pang-aabuso.

Ayon kay Rizal Rep. Fidel Nograles nakababahala ang mataas na kaso ng violence against women and children (VAWC) sa panahon na humaharap ang bansa sa pandemya.

Umakyat sa 4,260 ang mga kaso ng VAWC na naitala ng pulisya noong Hunyo 11 tumaas mula sa 3,699 noong Hunyo 4.

“We understand that our resources are already stretched, but the government has a sacred duty to protect its citizens,” ani Nograles.

Dapat din umanong pakinggan ng gobyerno ang panawagan ng United Nations Development Programme’s na isama ang pagbibigay ng proteksyon sa mga bata at babae sa ginagawang paglaban sa COVID-19.

Nanawagan din ang UNDP sa gobyerno at non-government organizations na magtulungan sa pagbuo ng paraan kung papaano mairereport ang mga kaso ng VAWC sa pamamagitan ng social media.

“Maganda ring tularan ang ginawa ng ibang bansa na makipag-ugnayan sa mga telecommunication companies para magtayo ng toll-free hotlines para sa mga biktima ng VAWC,” dagdag pa ni Nograles.

“The government has to be the face of compassion in this instance. Ipakita natin  na handa tayong tumugon sa mga biktima. We already have enforcers on the street, it’s a matter of recalibrating nang malaman nila ang tamang response sa mga ganitong kaso.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending