Pag-alis sa 2 ex-PMA official sa kakasuhan kaugnay ng Dormitorio case dapat pag-aralan | Bandera

Pag-alis sa 2 ex-PMA official sa kakasuhan kaugnay ng Dormitorio case dapat pag-aralan

Leifbilly Begas - June 26, 2020 - 01:17 PM

HINILING ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa Department of Justice na i-review ang pag-alis ng Baguio City Prosecutor’s Office sa dalawang opisyal ng Philippine Military Academy sa kaso kaugnay ng pagkamatay ng cadet na si Darwin Dormitorio.

Ayon kay Rodriguez na batay sa Anti-hazing law ay maaaring may pananagutan sa krimen sina dating PMA superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista at dating commandant ng PMA na si Brig. Gen. Vicente Bacarro.

“Justice Secretary Menardo Guevarra should review and if possible reverse the findings of his Baguio prosecutors. The Anti-Hazing Law clearly holds responsible those who could have prevented hazing activities but have not done so,” ani Rodriguez.

Si Dormitorio ay constituent ni Rodriguez.

Kasama ang dalawa sa kinasuhan ng National Bureau of Investigation na inatasan ng DOJ na magsagawa ng imbestigasyon.

Ayon sa NBI walang ginawa ang mga opisyal upang pigilan ang pangmamaltrato kay Dormitorio kahit nakarating na sa kanila ang reklamo.

“We deem it proper…that the instances of torture and hazing had been extensive and ongoing and were all properly and officially reported as per standard operation of the academy, but these officers neither lifted a hand nor exerted efforts for these to be investigated and implement appropriate actions if warranted so as to prevent the propagation thereof,” saad ng ulat ni NBI regional director Hector Eduardo Geologo.

Bukod sa dalawa, sinampahan ng reklamo sa Baguio City Prosecutor’s Office ang limang kadete, tatlong PMA doctor at apat na senor cadets.

Natutuwa umano ang pamilya Dormitorio na umusad na ang kaso makalips ang siyam na buwan subalit hindi umano sila naging masaya sa kinalabasan nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending