2 tauhan nahawa ng COVID-19, DENR compound ini-lockdown
Leifbilly Begas - Bandera June 25, 2020 - 02:15 PM
DALAWANG empleyado ng Department of Environment and Natural Resources ang nahawa ng coronavirus disease 2019.
Agad na isinailalim sa lockdown ang buong compound ng DENR na nasa Visayas Ave., Quezon City.
Ang mga nahawa ay pumapasok sa tanggapan ng Environment Management Bureau.
Inaasahan na agad na isa-sanitize ang buong compound subalit hindi pa malinaw kung hanggang kailan tatagal ang lockdown.
Inaasahan din ang pagsasagawa ng contact tracing upang matukoy kung sino ang mga posibleng nahawahan ng dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending