Female celeb todo ang pagbebenta ng branded bag, sapatos: Paluging kabuhayan | Bandera

Female celeb todo ang pagbebenta ng branded bag, sapatos: Paluging kabuhayan

Cristy Fermin |June 22,2020
facebook
share this

Female celeb todo ang pagbebenta ng branded bag, sapatos: Paluging kabuhayan

Cristy Fermin - June 22, 2020 - 12:17 PM

BULTUHAN na pala ang pagbebenta ng isang kilalang female personality sa mga naipon niyang branded na kagamitan.

    Nu’ng hindi pa lockdown ay paisa-isa na siyang nagbebenta, pero ngayong nawalan siya ng trabaho, pakyawan na ang ginagawa niyang pag-aalok sa mga kaibigan ng mga branded bags at sapatos niya.

    Kuwento ng aming source, “Palugi na talaga ang pagbebenta niya, napakalayo na sa original price, halos parang ipinamimigay na nga lang niya ang mga branded stuff na meron siya!

    “Wala siyang choice, kailangan niyang magdiskarga ng mga branded shoes and bags niya, walang-wala na siyang pagkukunan ngayon ng ikabubuhay niya.

    “Nahihirapan na siya, lalo pa’t hindi na siya ganu’n kabenta ngayon sa pelikula at serye, paminsan-minsan na lang siyang nagkakaroon ng offer dahil tapos na ang kasagsagan ng career niya,” unang chika ng aming impormante.

    Pero heto ang kuwento. Kahit daw ipamigay na lang ng kilalang babaeng personalidad ang mga naipon niyang branded stuff ay hindi naman siya masasaktan.

    Patuloy ng aming source, “Naku, walang kasakit-sakit sa kanya ‘yun dahil puro bigay lang naman sa kanya ang mga gamit na ibinebenta niya ngayon!

    “Hindi naman galing sa bulsa niya ang ipinambili ng mga ‘yun, puro regalo lang ‘yun sa kanya, hindi siya namuhunan ng datung sa mga kagamitang ‘yun!

    “Nagtataka nga ang mga biyahero ng branded products kung bakit iba-ibang tao ang nagbabayad ng mga ino-order niya, e! Bakit hindi siya ang nagbabayad, bakit iba-ibang tao?

    “Puro mga sponsors niya ang nagbabayad ng mga ino-order niya, iba-ibang tseke ang tinatanggap ng mga biyahero! Kaya wala siyang puhunan du’n, mga isponsores niya ang nagbayad!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

    “Kaya nga go lang siya nang go ngayon sa pagbebenta, hindi masakit sa kanya ‘yun, dahil hindi niya naman pinaghirapang datung ang ipinambili niya!

    “Todo na ang bentahan! Todo na talaga!” pagtatapos ng aming source habang nakataas ang kilay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending