Pagkakamot ng bayag, ini-enganyo sa Pakistan
IKOT ang puwit ni Assistant Labor Attaché Tony Villafuerte sa Saudi Arabia habang inaakusahan siya ng tatlong dating domestic helpers na minolestiya niya sila sa harap ng mga senador sa Senate hearing noong Huwebes?
Tiyak ang naramdaman niya ay parang nakaupo siya sa isang silya na sinisigaan sa ilalim.
Of course, deny-to-death si Villafuerte sa paratang sa kanya, pero sino ang paniniwalaan n’yo: si Villafuerte o yung tatlong babae na wala namang mahihita kung sirain nila ito.
Kung hindi mapaparusahan si Villafuerte dahil walang kakuwenta-kuwenta ang hustisya sa bansa, yung ma-expose na lang siya sa national TV bilang isang sex maniac is more than enough punishment.
Napakawalanghiya nitong si Villafuerte.
Biruin n’yo, tumakas na ang kanyang mga kababayan sa kanilang malulupit na among Arabo at tumakbo sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) where they sought refuge, siya pa mismo ang nagsamantala sa kanila!
Habang pinanunood ko ang TV network news ay para akong nasusuka sa ginawa ni Villafuerte sa tatlong babae.
Kahit na matayog ang kanyang pinag-aralan—certified public accountant at abogado—bastos itong si Villafuerte.
Dapat siguro ay putulan siya ng ari para siya magtanda.
Ipinagbabawal ni Chief Supt. Mar Garbo, director ng National Capital Region Police Office (NCRPO), na magkamot ng kanilang mga bayag ang mga pulis sa harap ng maraming tao habang sila ay naka-uniporme
Ito ang inisyu ni Garbo na order sa lahat ng kanyang mga tauhan matapos niyang pinalitan niya si Director Leonardo Espina bilang chief ng NCRPO.
Malaswang tingnan ang isang lalaki, lalo na ang isang pulis na unipormado, na nagkakamot ng kanyang bayag sa harap ng maraming tao.
Dapat ay itago ang pagkakamot ng bayag sa publiko.
Pero alam ba ninyo na sa Pakistan ay ini-enganyo ang mga lalaki na magkamot ng kanilang bayag?
Basahin natin ang sumusunod na news release:
Karachi, Pakistan—A recent paper released by Aga Khan University Hospital confirms that Pakismen can increase their lifespan by at least five years by constantly scratching their testicles.
The paper, titled “The Correlation Between Scratching Your Testicles and Your Lifespan,” examined 350 men over a period of 10 years.
Dr. Burhan Aneeq, the lead author of the research report, told Maila Times that “we should be promoting such activities on national television as the results have been extremely satisfying.
Susmaryosep! Hindi po ito joke. Ito’y hango sa isang news item.
Pero ano ang ibig sabihin ng news item?
Ibig sabihin ay makati ang mga bayag ng mga lalaking Pakistani.
Nakikita naman natin sa TV kung gaano karumi ang mga Pakistani.
Kaya kumakati ang kanilang mga bayag ay di sila naliligo.
Kaya, kayong mga pulis, huwag ninyong gayahin ang mga lalaking Pakistani.
There is no comparison between a Pakistani male and a Filipino male.
Dugyot ang mga Pakistani samantalang mga Pinoy ay palaging naliligo.
Walang dahilan na magkamot ng bayag ang Pinoy na lalaki dahil lubhang malinis siya.
Ang mga Pinoy na nagkakamot ng bayag ay di naliligo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.